16wks walang maramdaman at wala ring madetect sa fetal doppler na binili online, may same expi po?

Hello mga mii, 16weeks na ko at wala parin ako maramdaman na pitik sa puson. Last week naman galing akong OB. Healthy naman ang heart rate ni baby. Buo at magalaw na din sya. Pero syempre nagtataka lang ako bat wala parin ako maramdaman. Tapos may binili ako fetal doppler para sabi ko makampante ako habang naghahantay ng next OB visit. Kaso di ma detect heartbeat ni baby. Nung nitry ko sa puso ko gumagana naman ung doppler. Mejo nakakapraning lang mga mii kc nakunan na ko before though on set wala talaga ung una kong baby ng heartbeat. Eto naman ngayon meron naman at healthy sabi ng OB ko. Iniisip ko makapal ba ung taba ko kaya di ko maramdaman at di madetect ng nabili kong doppler? Sino po naka experience same ng saken? Kelan nyo po naramdaman si baby? Thank you po sa mga sasagot. Pasensya na di ako makatulog kakaisip. Wala naman akong masamang nararamdaman walang masakit o ano. Nag aalala lang po talaga. #firsttimemom #AskingAsAMom #Needadvice #pregnancy

16wks walang maramdaman at wala ring madetect sa fetal doppler na binili online, may same expi po?
11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pag 1st mom my sabi ni OB meju mtagal mo pa ma raramdaman yung galaw nya.. pru pag 2nd and so on mabilis na kahit 2 mos mraramdaman mo na xa.. kasi alam na ng katawan mo.. gnon ngaun sakin2 mos ramdam ko na xa.. at my dopler din aq . gawin mo my meju e diin mo tpos hilain mo ptaas ng dibdib mo tyan mo po kasi nasa puson mo pa si baby. at baka nka dapa rin xa. or kung chuby ka meju d mo nga mxado marinig. and too early pa po na mririnig mo yung heartbeat nya talaga sa 16weeks.. pa chamba2 tlaga ksi mliit pa xa.. pru kung worried ka talaga pa check ka ulit sa OB mo.

Đọc thêm
1y trước

thank you mii. nagamit ko nansya narinig ko na 18weeks. mejo hirap lang talaga hanapin. pro di oo ramdam ung pitik haha cguro sa taba ko nantalaga to. next week pa ung OB visit ko pero excited na din. Thank you mii sa comment. have a nice day!