16wks walang maramdaman at wala ring madetect sa fetal doppler na binili online, may same expi po?

Hello mga mii, 16weeks na ko at wala parin ako maramdaman na pitik sa puson. Last week naman galing akong OB. Healthy naman ang heart rate ni baby. Buo at magalaw na din sya. Pero syempre nagtataka lang ako bat wala parin ako maramdaman. Tapos may binili ako fetal doppler para sabi ko makampante ako habang naghahantay ng next OB visit. Kaso di ma detect heartbeat ni baby. Nung nitry ko sa puso ko gumagana naman ung doppler. Mejo nakakapraning lang mga mii kc nakunan na ko before though on set wala talaga ung una kong baby ng heartbeat. Eto naman ngayon meron naman at healthy sabi ng OB ko. Iniisip ko makapal ba ung taba ko kaya di ko maramdaman at di madetect ng nabili kong doppler? Sino po naka experience same ng saken? Kelan nyo po naramdaman si baby? Thank you po sa mga sasagot. Pasensya na di ako makatulog kakaisip. Wala naman akong masamang nararamdaman walang masakit o ano. Nag aalala lang po talaga. #firsttimemom #AskingAsAMom #Needadvice #pregnancy

16wks walang maramdaman at wala ring madetect sa fetal doppler na binili online, may same expi po?
11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pag 1st mom my sabi ni OB meju mtagal mo pa ma raramdaman yung galaw nya.. pru pag 2nd and so on mabilis na kahit 2 mos mraramdaman mo na xa.. kasi alam na ng katawan mo.. gnon ngaun sakin2 mos ramdam ko na xa.. at my dopler din aq . gawin mo my meju e diin mo tpos hilain mo ptaas ng dibdib mo tyan mo po kasi nasa puson mo pa si baby. at baka nka dapa rin xa. or kung chuby ka meju d mo nga mxado marinig. and too early pa po na mririnig mo yung heartbeat nya talaga sa 16weeks.. pa chamba2 tlaga ksi mliit pa xa.. pru kung worried ka talaga pa check ka ulit sa OB mo.

Đọc thêm
1y trước

thank you mii. nagamit ko nansya narinig ko na 18weeks. mejo hirap lang talaga hanapin. pro di oo ramdam ung pitik haha cguro sa taba ko nantalaga to. next week pa ung OB visit ko pero excited na din. Thank you mii sa comment. have a nice day!

Base sa research mi 18-20 weeks or up pag first time mom . Nung 1st time ko din nsa 18weeks ko sya naramdaman ngaung 2nd baby 16 weeks nag start na likot nya everyday kahit anterior placenta ako . Iba iba mi meron naman 6mos don lng lumikot . Mas ok try nyo nlng uli subukan fetal doppler para maiwasan pag ooverthink gnyn tlga pag 1st time mom lalo na nakunan ka po pala dati

Đọc thêm
1y trước

thank you mii sa reply.mejo napanatag na ko kahit papaano. since wala din naman akong masamang nararamdaman.

Chubby rin ako mi, 85kg pero saktong 16 weeks ko nadetect heartbeat ng baby ko sa baba ng puson medyo baba pa ng konti hehe ang sarap pakinggan kasi ang ganda ng heartbeat niya, lalo nakunan na rin ako before kaya praning talaga ako sa sitwasyon niya sa tyan ko and sobrang laking tulong sakin ng doppler na yan same tayo ng doppler mi hehe.😊

Đọc thêm

Kaya dinidiscourage talaga ng ibang OB / midwife na mag doppler tayo sa bahay kasi pag di natin madetect ang heartbeat ni baby na papraning tayo at nag ooverthink which is di healthy for both mommy and baby. Kung wala ka pong naramdaman na masama or di nag spotting, tiwala lang po kayo na okay lang si baby. ☺️

Đọc thêm
1y trước

thank you po 🥺 talagang nakakapraning pero pray lang din po ako. napanatag na din kahit papaano dahil din po sa mga reply nyo.

nung 14 weeks ako mi marinig ko na ung heartbeat ni baby gamit yan..gamitan mo lang gel tapos ako sa bandang taas ng pubic hair dun ko tinatapat..hehe..kasi nasa baba pa sya eh

Ganyan sakin mi, dinala ko sa Ob nagpaturo ako. Minsan hindi nakikita sa screen yung HB pero maririnig mo po sya. Kaya focus ka sa sound ng doppler.

same po tayo , wala akong nafefeel pero sa ultra ok naman ang activity niya sa loob kaso wala talaga ako nafefeel sa loob .as in

1y trước

ako nga 18weeks na ngayon wala akong mafeel na pitik o galaw e. hahaha saktong 18weeks na ngayon next week pa balik ko sa OB. pero nagtry ulit ako gumamit ng doppler, nadedetect naman na nya. sa wakas! pero doubt parin ako kc namamatay agad or nawawala agad after ilang seconds

tyagaan lang talaga hanapin hb ni baby mi, ganyan rin ako non pero nahanap koren hb nya bandang puson (18weeks preggy)

1y trước

thank you mii

Gamitan nyo po ng ultrasound gel then tyaga lang sa paghahanap ng HB kasi malikot si baby

1y trước

meron po yang kasamang gel di ko lang pinicturan. pero wala po talaga madetect eh.

sa akin me 17 week's talaga Siya saka ko na kita Ang heart rate niya me

1y trước

thanks mii baka mejo shy type pa si baby. pero healthy naman heart rate nya every check up sa OB kaya okay na din ako.