Is this red flag?

Mga mih. I need your thoughts. Dito ko nalang isshare kasi wala din ako mapagkwentuhan nito sa kahit sinong kakilala ko dahil kahit papaano ayoko din malagay sa bad light yung partner ko. You see, we've been together for 3 years and a decade now and kakakaroon lang namin ng baby 2 years ago. Our previous years ok naman kami. Pag nag aaway, madali namin napag uusapan. Siguro, iba din kasi yung di kami nagkikita parati nun. Parang halos LDR kasi kami nung first 5 years namin eh. Then nagdecide na kami mag live in nung 2016. Nung kami ng dalawa lang mas namamanage namin mga bagay. Nag aaway pa rin kami like usual couples do pero alam ko mas madali pa rin namin mapag usapan. Hanggang sa nung nagkababy kami nun. Actually, gusto ko naman talaga magkababy pero alam ko sa sarili ko na di pa ko sobrang ready (financially and emotionally) ang katangahan ko lang, hinayaan ko lang sya na gawin namin yung deed kahit may doubts pa ako sa sarili ko na di pa ako super ready. Siguro kasi dahil sobrang kampante ako sa tagal na rin namin feeling ko secure na rin naman ako sa kanya and sure ako na mahal namin ang isa't isa. So nangyari na nga na nabuo yung baby. Nung mag PT ako nun nagulat ako (actually sya pa yung nakakutob nun na buntis ako) pero masaya din naman ako kahit may onting takot kasi alam ko sya naman kasama ko sa pagtaguyod nung baby kaso kahit expected nya parang di naman ganun kawelcome sa kanya yung thought na magkakaanak na pala sya. Medyo nadismaya at nalungkot lang ako nun pero inunawa ko kasi syempre tulad ko nun may takot din sa kanya yun. Pero laban pa rin kami. So nagdaan mga buwan nung habang buntis ako mas napapadalas kami mag away na. Andyan dumating sa punto napisikal nya ko nun (oo buntis ako nun tinulak, sinakal at tinadyakan nya ako nun) nagalit ako sa sarili ko kasi in a way parang naprovoke ko sya pero iniisip ko rin deserve ko ba maganun? Tapos nung lumabas ang baby akala ko kahit papaano magmmellow na. Alam ko naman na di na rin kami babalik sa dati namin set up pero atleast yung kahit man lang sana magkaroon ako ng peace of mind sa pagsasama namin. May times pa kasi napagsasalitaan nya ko ng sobrang sakit like "ikaw ang sumira ng buhay ko" ( that time nung malaman kong buntis ako, ako yung nag give up na wag na magtrabaho kasi para maalagaan ko yung baby ko nun) tapos nitong nakaraan sumobra na yung pagiging explosive nya, dumadating sa punto na sinasakal nya na ako at sinasabihang either. Mam@tay na ako or lumayas nalang ako. Alam ko naman may kasalanan ako, na may times may pagkukulang ako bilang partner lalo na nung dumating ang baby namin kasi mas natutok ako dun. Alam ko mas madalas na mag init ang ulo ko kasi andami ko na iniisip na minsan nakakapagod nalang kasi feeling ko di na ako naiintindihan kahit ilang beses ko na tinatawid ipaintindi yung mga punto ko. Di ko alam kung deserve ko ba na intindihin kasi at the moment wala akong maiambag masyado kundi nasa bahay lang at nag aasikaso ng bata at sa kanya. Alam ko naman walang perpektong partner. Alam kong mahal nya ako. Pero may times gusto ko na rin gumive up kaso pano na rin yung anak ko? Nag iinarte lang ba ako or red flag na ba to?

12 Các câu trả lời

Anong mahal ka, eh sinasaktan ka? Isip isip ka na mi, red flag yan! Respect should come first.

superrr red flag mi! Wag mong hayaang lumaki yung baby mo na may ganyang tatay hays.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan