48 Các câu trả lời

Hi mamsh FTM here habang nag tatype ako ngayon gising kaming dalawa ng asawa ko palitan kami kasi masama pakiramdam ng baby ko sinisipon. me pasok pa ko mamayang 8am tapos gigising pa ko mamayang 5:00am 2:20am na ngayon. pero kakayanin para kay baby, kami lang din dalawa ng asawa ko wala kaming katulong simula pag panganak hanggang ngayon puyat puyat parin pag galing kong work ako naman papalit sa asawa ko. after ko mag leave pinaalagan ko baby namin asawa ko din me work nuon pero di kinaya kaya pinag resign ko nalang husband ko. mahirap kasi mahal ang bilihin napupunta lang din sa mag aalaga ung perang dapat naiipon namin. ngayon kahit short alam ko naman na naaalagaan namin ung baby namin ng maayos at nasusubaybayan ang paglaki. kahit nagkakanda utang kahit ako lang me work kakayanin matatapos din lahat ng problema. mas ok sana dalawa kaming me work para makapag ipon para kay baby kaya lang walang mag aalaga sa kanya pinag iisipan sana namin ipaalaga sa nanay ng asawa ko pero nasa province ormoc leyte pero ayaw din namin kasi 7 months palang baby namin ayaw naming mawalay sya samin naiisip ko palang maiiyak na ko. kaya kahit mahirap tiis lang muna pray lang ng pray kay lord lahat kakayanin. kaya ikaw mamsh kayo nyo yan ng hubby nyo basta tulungan lang kayo. di maiiwasan maging mainit ulo ng isa sa inyo dahil parehas kayong pagod pero wala tayong magagawa intindihan nalang kayo, magtulungan parin kayo at kayang kaya nyo din yan promise ❤

Hi Mii. Share ko lang po experience ko. Yes po kaming dalawa lang ni hubby ang nag aalaga sa anak ko. Walang katuwang kahit kasama namin mother ko sa bahay😔. Simula pagkapanganak ko sa ospital hanggang sa paglabas at ngayon 1yr 8m na ang baby namin nakaya namin na kami lang at walang katuwang. Nagta trabaho ang asawa ko hanggang Saturday. Sunday lang off nia. Maghapon ako nag aalaga sa baby namin, pati pagligo di ko na magawa. Iihi at poop kasama ko sa cr baby namin. Magluluto ako buhat ko siya. Breastfeeding din ako until now. Makakaligo lang ako pagkagaling pa sa work ng asawa ko at saka lang makakagawa ng ibang gawaing bahay pagdating ng asawa ko. Mii kaya mo din po yan kahit ikaw lang, mas masarap na tayong magulang ang mag aalaga ng anak natin, masusubaybayan pa natin sa araw araw. Kung working ka naman po Mii, no choice po kundi kailangan talaga ng katuwang sa pag aalaga. Maglaan nalang po ng quality time kay baby importante po kasi yun. Go Mii kaya mo yan! 😊☺️

Mii FTM din po ako, wala ako alam sa pag aalaga ng baby. Pero pag anjan na si baby magiging ready ka pala talaga kahit wala kang experience. Nung buntis ako nagse search lang ako sa youtube kung paano ang dapat at tamang gawin. Sa pag aalaga sa baby nanunuod lang din ako sa youtube kung ano ang tamang gawin. Kaya mo yan Miii makakakuha ka din ng tips kay YouTube kung paano ang tamang pag aalaga sa baby. Wag ka din maniniwala basta basta sa mga sabi sabi, tayong mga nanay ang nakakaalam kung ano ang nararapat para sa ating baby. Go Mii, kaya mo yan! ❤️❤️❤️

salamat sa pagpost nito mamsh. isa to sa agam agam ko mga ilang buwan na, yung mother ko kasi halos nag-self proclaim na sya na daw magaalaga sa baby namin (forever) nung una naisip ko okay lang kasi nanay ko naman sya pero nung nakasama namin sya last month parang bigla nagbago ung isip ko, at parehas kami ni hubby na gusto namin kami magalaga kay baby para matuto kami at mas magkaron kami ng bonding kay baby. parehas kaming working ni hubby, wfh naman kaya naisip namin kakaynin namin. yun lang minsan naiisip ko hindi ba parang ang selfish ko kasi ganun ung nasa isip ko. pero anyway salamat sa mga mamsh na nagshare ng experience nila mas lalo ko tuloy naiisip na kaya din namin ni hubby kahit 2 lang kami dahil un din ang gusto namin

Same tayo mi, gusto ko na kami din ni hubby mag alaga kay baby para matuto na din mi at masubaybayan si baby sa paglaki. Para matuto na din maging independent pero di nman masama humingi ng tulong mi pag di na po kaya..kami papatulong po kami sa umpisa pag kabisado na ok na po kami dooon..

kaya mo yan miii same here need to stop from work since wala talaga magbabantay sa baby ko, kami lang din ni hubby ang nag aalaga kay baby totoo din na minsan talaga wala ka ng time sa sarili mo kasi nga madaming gagawin sa bahay, pagaalaga pa kay baby, super hirap mii pero pag nalagpasan mo isa isa yun masasabi mo sa sarili mo na happy ka kasi nagawa mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kaya, tska maging open ka lang sa mga possibilities na mga mangyayari, plus masusubaybayan mo pa si baby sa mga milestones nya. kaya mo yan miii, dasal lang na bigyan ka ni Lord ng kalakasan sa araw araw, Godbless Miii

mag 3weeks na kame ni baby fulltime aku sa pag aalaga sakania ..c mr q kc nag work kaya aku nlng nag aalaga lam q dn kc hirap nia sa trabaho kaya di q na cia iniistorbo sa pagtulog nia lalu na 24/7 ang trabaho nia.pahinante. kaya q nmn magisa dhl.sa dami q naging pamangkin na inalagaan nung dalaga pa q atsaka nakakalibang dn c baby. nagagawa q dn kumilos sa gawaing bahay peo hinay hinay plng ngaun di nagbububat dhl sa pamahiin ng mga adult bka mabinat. peo so far nmn nakakakilos nmn ng maayus at napagsasabay q pag aalaga sa mag ama q

hi mommy, FTM din po ako at kami po ng hubby ko dalawa lang kaming nag aalaga sa baby namin po. mula nung mag start ako ng work ko 7 months ung baby namin kasama namin sa work at stay-in po kami dun until now na 1yr at 4mnths si baby dalawa lang kami ni hubby nag aalaga, salitan po kami ng alaga kasi ako 8a.m-5p.m pasok ko den si hubby is 7p.m-4a.m po work niya. pero dito lang din kami nakatira sa work namin. thankful kami kasi sobrang understanding ung boss namin kahit kasama namin sa work ung baby namin.

Sa experience ko, FTM din po ako at kami lang ni mother ko ang mg ksma. Pg kakaen ako at mliligo pinapahawak ko s knya c LO pero sa lhat ako na nag aasikaso. At khit s pagkaen at ligo ko pra akong sundalo s bilis ng kilos. Kc c mother 69yrs old na. At c LO po 8kg currently 6mons old kya d dn pde mg buhat ng matagal kay LO. Bf mom dn po ako. Kya sobrng pagod din tlga. C hubby kc OFW kya sobra hirap dn tlga pg mlayo ang partner.

Kayang kaya yan Momsh, pareho kaming working ng hubby ko pero Ako lang yung naka wfh. Nakayanan naman sa away ng Diyos. 6mos na rin si Baby, parang nasanay na rin sya sa daily routine namin at behave lang sya. Tas sa hapon after work ko lalabas kami para magpahangin. Sa una nakakapagod talaga, pero pag nakasanayan Kering Keri na. Nakakapag-workout pa ko sa morning every 5am. Kaya kayang-kaya mo rin yan Momsh ☺️

Me tooo.. FTM.. Kami lang ni Hubby nag-aalaga kay Baby... Tho napapalibutan ng mga kakilala, parents, in laws... Mas kami talaga nasusunod at kumikilos ng lahat lahat para kay Baby... Working kami parehas pero si Hubby ang wfh, ako is naka ML pa.. Sa totoo lang, as ftm, ayokong bumalik sa work kasi lahat ng milestone ng anak ko gusto ko masubaybayan... Aja mommy!! ♥ Yakang yaka mo din na kayo lang para sa Baby mo....

Thank you mii 💗

kaya yan myy, ako myy single parent, kahit na dto kmi nakatira sa bahay nila mama ko, mula sa pagkapanganak hanggang ngaun na 4yrs old na sya, ako lang.. ako nag alaga sa kanya simula newborn sya, ako nagppakain, nagluluto ng kakainin, padede, paligo, pamalengke ng pagkain naming dalawa.. ako lahat.. paglalaba, ako rin.. kaya kaya mo yan myy, andyan naman si hubby mo ehh.. at least, may katuwang ka pa rin 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan