Hi ma. My son has G6PD din, he’s 3. Our pedia advised us na mag change na rin ng diet para hindi mahirapan at mainggit si baby in the long run. True enough, part na sya ng lifestyle namin. Mas aware kami sa content ng food namin and even yung mga kamag anak namin kaya hindi sya basta basta pinapakain lang, conscious din sila. Kasi ang effect daw sa body nya will manifest kapag na-reach yung threshold ng kung ano lang yung akount ng bawal na na-intake ng isang may G6PD. Kaya habang maaga, aware na rin si baby ko. He knows na he can’t eat anything na may soy, may legumes, blueberries, etc. He understands pero syempre bilang nanay, maaawa ka kasi kahit taho hindi sya kumakain so paminsan minsan, pinapatikim namin sya pero konti lang. We explain it to him then bibigyan namin sya ng alternative para hindi aya magkaron ng feeling na kawawa sya kasi may bagay sya na hindi makuha. Also kasi NICU baby sya so paglabas ng hospital, mixed feeding pa kami. Direct latch or Similac ang iniinom nya noon. 1 week paguwi from NICU, suka sya nang suka, dahil pala yon sa milk nya. Di pa rin namin alam noon na may G6PD sya, wala pa result yung newborn screening. So simula noong nagsuka suka sya, pure breastfed na sya hanggang ngayon. Ok naman sya. Normal, malakas, bibo, masayahin, magana kumain.
g6pd mom here of a 8 month old depende mi kung ano sasabihin sau sabi ng pedia ni baby hanggang kayang iwasan, iwasan daw pero di namn natin maiwasan syempre ung ibang food meron talaga at accidente natin nakakain. 8 months old na si baby pinapakain ko ng cerelac wala namn reaction my konting soya din kasi yun but in moderation lang mi.
yes. dapat iwasan mo rin kung ano ang bawal sa may g6pd baby. kasi napupunta sa breastmilk yun so makukuha ni baby. iwas din sa moth balls kung may mothballs na gamit sa mga damitan. bawal po yan sa may g6pd.
Yung pamangkin ko may g6pd din. Pero walang iniwasan na food at all. As in nabuhay sila ng parang walang g6pd. 6 na sya ngayon, very healthy and smart pa 🥰
Hi mii pamangkin ko may G6PD. Iwas iwas po siya sa mga bawal tlga, currently he is 1yr old na. Super bibbo naman.
Anonymous