CEFUROXIME 500mg
Mga mi pwede po ba to sa buntis me UTI infection po kasi ako ito naman ni recommend sa ospital na inomin ko sinabi ko dn naman na buntis ako hays hirap mga antibiotics 🤦🏻♀️
Safe ang Cefuroxime sa buntis at pakikumpleto po kung Ilan Beses ka dapat uminom bawal ihinto kasi pwede ka magkaroon ng Antibiotic Resistance.. ang hindi safe e yung untreated ang UTI at maipasa mo kay baby ang infection.. tulad ng ngyari sa baby ko nagka sepsis at na NICU for 1week para sa antibiotics bukod sa malaki nagastos e nalagay sa alanganin si baby.. Buti at safe si baby ko nailabas namin.. kaya pagaling ka mommy.. sa akin kasi manganganak nalang ako saka pa ako nagka UTI alanganin at untreated pa nung naipanganak ko si baby
Đọc thêmUminum din Po ako nian nung 2months palang ako kaso natatakot ako mag antibiotic isang beses Lang ako uminum.saka sinusuka ko after 3hrs kaya tinigil ko tapos ang ginawa ko nlng tubig 3 litters a day tapos araw araw buko and follow check up kona ok nmn na...
yan din nireseta skn ng ob ko cefuroxime.. 2x a day isa sa umaga at gabi after meal.. 7days iinumin.. awa ng diyos pagbalik ko sa ob wla na uti ko.. ok nmn c baby 13weeks 3days
Ako nman Co amoxiclav sakin kc over100pus cell ko, kakatapos kolang kahapon, sa Thursday nako papa urine , Sched ko di un ng check up ko.
may mga antibiotics naman na safe for expecting moms. if aware ang doctor they usually prescribe the ones safe for pregnant
2x a day sa akin 1 week nagamutan...after 1 week kinabukasan test for urine...gumaling uti ko...kea maintain madaming tubig
Yes po. Ako po 3x a day ko iniinom kasi mataas uti ko. And thank god nawala din uti ko.
Yes po, safe for preggy po. common antibiotic yan for UTI na prescribed para sa buntis.
okey lang siguro kakatapos ko lang din ng 1 week medication... 35 weeks preggy
Yes, umiinom ako nyan. 2x a day for 1 week. Nagkaubo ako ng 2 weeks
same sakin din.inubo ako at tagal gumaling kaya pinag antibiotic ako ng ganyan.
Momsy of 2 curious superhero