5months preggy
Mga mi pwede naba ako mamili paonti onti ng gamit para sa baby dame kasi kasabihan dito samen halos lahat kinokontra ako masama ba talaga mapaaga ang pagbili ng gamit.:(
Hello. Haha. Ako namili ako starting 5 months pregnancy. Nagalit din sila. Deadma lang, kasi ang nasa isip ko paano kung may emergency hindi ako ready kawawa naman baby ko. Anyway nabigla pa sila na nanganak ako 37weeks kasi expected nila mabubuo ko yung 40 weeks. Ayun kanda ugaga sila sa pagbili habang nasa hospital ako, samantalang ako relax lang kasi nabili ko na mga essentials 🤣❤️
Đọc thêmun din ang sabi nila skin noon pero nag ipon parin aq kz 16yrs aqng hnd nagbuntis ngayon baby nlng ang kulng sa amin nkktuwang pagmasdan mga stuff ng baby q salmat sa panginoon binigyan n nya kmi 19w 4days now mga mie
kami mamimili nadin this november, 5 mos nako nun mag6 nadin. mas ok din naman na mas maaga para di ka aligaga pag malapit na. balak ko nga iprepare ung hospital bag pagka7mos ko. para kahit mag 8 at 9 mos ako chill nalang
Hindi ko alam yang kasabihan na yan. Bakit daw? Yung mga kamag anak ko nagstart ipamili si baby 4 months palang ako 😂 Mas excited sila sa pagshopping.
same mi 5 months nag start muna ako sa mga essentials hindi ko pa kasi alam gender ni baby kaya mga 7months up na siguro ako bili ng mga damit niya
ang masama po na kasabihan sa amin e bibili ka pero wala kang pambili. wag nyo po palakihin anak nyo sa mga sabi sabi
bakit po masama? anong kasabihan po ba? ngaun ko lng nalaman yan. hehe. pa share nmn po kung bkit
Excited to become a mum