Kinamot lang nya kanina kasi makati daw bglang namaga, bumukol
Mga mi napano po kaya tong sa katawan ng anak kopo? baka po may naka exp neto sainyo or sa mga anak nyo. 4yo girl po anak ko. naka long sleeve at pajama po sya kagabi natulog. kaso po kanina mga tanghali nangati ung braso nya , kinamot nya tapos namula lang. kako baka nangati lang tas mawala agad. kaso bglang unti unti nagbukol, namaga. dko po alam kung kagat lang ba to ng lamok?? meron sya sa noo, sa gilid ng noo, sa kaliwang braso mga nasa 3 ung namamaga na nagbukol tapos sa pinky finger nya. ang kati kati daw . pag hinawakan or kinapa po may bukol po. tapos di nya mapigilan na di kamutin. kse knna sa kamay lang 1 lang bglang dumami po sa ibang parts na ng katawan nya..napano po kaya ito? baka po may alam kayo kung ano to or kung papano mawala? may work pa po kse ako bukas e dko sya mapapacheckup agad. sana po may makasagot po plsss salamat po