37weeks 1 day 3cm yesterday
Mga mi, mas ok ba mag pa IE ulit kahit kakapa IE ko lang nung isang araw? Parang ang sakit na naman kasi eh dumugo nga rin after 😭 Niresetahan ako ng Primose 3x a day siya pwedeng inumin or insert.. since di ko naman kaya insert, orally nlng. Di ko kasi malaman kung nahilab na ba tyan ko or natatae lang ako? Natigas tigas din siya tapos nasakit yung singit, puson, balakang at pp ko. Since Maundy Thursday bukas wala yung doctor sa lying in.. on call lang. Balak ko sa public hospital magpa check ok lang kaya yun?? Next Tuesday pa kasi ulit balik ko sa lying in if ever di pako nanganganak. - medyo mataas pa rin tyan ko sabi nila... kaya di pa raw ako manganganak.