Swollen, painful feet
Hi mga mi. Gusto ko lang malaman kung may katulad din ako na ganito ang experience. Currently 34 weeks pregnant. Alam ko na normal lang naman yung pamamaga ng paa pero napansin ko lang na since pagstart ng 3rd trimester, mas masakit ang kanan na paa ko. Parehong paa ang namamaga, feeling tight, pero sa kanan kong paa, may discoloration ako sa ankle part. At kapag ifeflex ko paa ko palabas, masakit yung part na yun. Pag hinahawakan ko naman kahit di madiin, para siyang may balloon sa loob. Medyo nawawala siya pag minamasahe ko siya ng sobrang gentle lang pero bumabalik din pagkatapos. May ganito din ba kayong experience? Di kasi to nangyari sa first born ko. Overweight ako before nabuntis kaya inexpect ko na din na sasakit talaga paa ko sa bigat pero yung parang may balloon sa tender spot na wala naman sa kabilang paa, naiisip ko tuloy na baka nagclot na dugo.#Needadvice #askmommies #PregnancyAdvise


Queen of 1 troublemaking junior