10 Các câu trả lời
Marami pong mga sabi-sabi mi, e.g. boy pag patulis ang bump, nangingitim ang ibang parte ng katawan, salty or savory ang cravings, wala or rare morning sickness, linea negra starts above belly button; girl naman if pabilog ang bump, walang pangingitim and nagiging blooming during pregnancy, sweet ang cravings, madalas ang morning sickness, linea negra starts above belly button. pero tandaan po na lahat iyan, walang scientific basis. so while we can speculate based on those beliefs, sa ultrasound lang po talaga natin malalaman ang gender ni baby. Not necessarily 6 mos pa po malalaman. sa akin po, nagpakita na ng gender si baby during our 16th wk check-up. pero syempre, depende pa rin po talaga sa position ni baby. :)
Baby girl akin currently 32 weeks. Nalaman kong baby girl nung 20weeks ako. Maselan ako lalo sa mga naamoy ko sa paligid ko lalo pag nagluluto mother in law ko ng may bawang ay nako susuka talaga ko ng malala kaya nung naglilihi ako hanggang sa 5 months ako hindi sila nag sasangag ng kanin na may bawang or nagaadobo ng may bawang hahahaha basta lahat hindi nila nilalagyan ng bawang kasi nasusuka ko at di ako kakain. mahilig ako mag ayos hilig ko bumili ng pabango,lotion and make up. Ayoko din yung pakiramdam na mainit katawan ko kaya panay ligo ako. Ayaw ko ng mga kulay orange na pagkain. Dami humulang baby girl kasi blooming nga daw lalo sa hugis ng tyan palapad daw at maliit.
sakin po nung sa 1st baby ko boy, patulis po tyan ko sa may pusod, and maselan po ako nun, ngayon po baby girl, flat po tyan ko ngayon sa may pusod, and ind po ako maselan,hehe yun lang po napansin ko, im 25 weeks and 1day ngayon..and kakapaultrasound ko lang po nung nakaraang lunes🥰🥰 and pakitingnan naman po ang photo f sure na girl na po sya? like ko lang po makasiguro,hehe tenkyu in adv.po🥰🥰
Ako kahapon ko lang nalaman Gender ni Baby ko. ❤️ And 36Weeks and 5Days na ako ngayon. Sa CAS ko kasi nung 26Weeks hindi sya nagpakita. 😅 Pero sabi ko okay lang, kasi mas importante na malaman ko yung normal siya sa lahat ❤️ Baby Girl, Tama hula ng karamihan kasi di daw nagbago itchura ko kahit tamad ako maligo at mag ayos.
naku mii di totoo un kesyo tamad lalaki n kc ako tamad tlaga kumilos pero baby girl tapos kung blooming baby girl baligtad sa akin, dun sa bunso ko n lalaki ako blooming kqya madami nagsabi n girl daw pero boy nman at eto sa baby girl ko di tlaga ako palaayos at nangingitim leeg at kilikili ko unlike s anak ko n lalaki
di parihas mi, kac ako blooming daw saka grabe Yong morning sickness ko, halos Dina nga ako makakain, maayos din ako sa katawan, pero baby boy parin, gusto ko nga Sana baby girl, Peri bless parin ako,😅😅may baby boy ulit,😍
ako turning 3 months palang nalaman na agad ni OB ko yung gender ng baby ko ☺️ every month kasi ako chine.check via ultrasound kaya nalaman tuloy ng maaga
makikkta na pala agad panv turning 3 months
sakin 19 weeks ko nlaman. sabi asawa ko blooming daw ako pero baby boy nman kmi. 😊 33 weeks na ako
ako miii 16 weeks nalaman na baby boy. pag baby boy makikita agad
Same po excited na din ako 20 weeks here😁
sakin 7 mo's. bago nagpakita gender ni baby
Lorry Paluyo Romarate