FTM here 30 weeks pregnant
Mga mi baka po pwede manghingi ng tips and help kung ano yung mga essentials needs ni baby na proven and tested niyo na. Like sa wipes, bath soaps, diaper etc. 30 weeks na po ako now and until now hindi ko pa din alam ano mga uunahin ko. TYIA po mga mi.

Basta sa damit wag mo damihan mga baru baruan bilis lumaki ng mga babies. ●Wipes Unilove yung gamit ko never nagka rashes si baby since newborn nya. ●Dry Tissue You really need this for alt sa wipes. Ito una ko pinupunas pag nag poop si baby, wipes na for cleaning, then tissue for drying tap tap tap nalang. ●Diaper Mga newborn pa si baby UniLove ang gamit ko maganda siya kasi hindi nag l leak at hindi rin nagka rashes baby ko. Pagka 1 or 2 months na siya EQ pants na gamit ko super absorbant and non leak. 10pcs 70 pesos lang naman kaya sulit narin. Para tipid² ako sa diaper ang ginagawa ko talaga is hindi ko pinapadiaper si baby pag tanghali kasi mainit rin saamin wala naman kami aircon, puro fan at hangin lang talaga kami kasi nasa probinsya rin e kaya tinatanggalan ko siya diaper sa tanghali ginagamit ko nalang is lampin niya. Hindi ako nagkakaproblem if maka poop si baby pag tanghali kasi may sarili talaga siyang routine kaya alam ko kung when siya nag p poop. Morning -pag bagong gising, 7am poop time niya then pinapaliguan ko na si baby and sa hapon 5pm nakakapoop narin yan siya then pinapaliguan ko na. Yan ang sched na sinabe ng Pedia ni baby. 7am and 5pm. ●Bath Soaps Hindi ako nag b bath Soap kasi hindi naman talaga dapat pa nag s sabon si baby up to 5 months. Tubig lang talaga hinuhugas para iwas rin rashes. Pero may Shampoo ako ginagamit kay bby. White dove na yellow ng PC collection - mild scent, hypoallergenic and organic ingredients lang siya kaya hindi matapang at mabango rin very softy yung amoy parang baby powder at hindi nangangasim si baby neto. But when it comes to body soap wala ako gamit pure water lang. After niya maligo gumagamit ako ng manzanilla then minamassage ko si baby kaya masarap tulog niya lagi. Tip ko talaga sayo momsh. Gumawa ka ng routine ni baby para hindi ka mahihirapan. Ito yung nakatulong saakin kaya hindi ako nahirapan sa baby ko and never na binat. At wag rin kalimutan na i pray mo si baby every gising and tulog mommy para safe at well si baby. Yun lang Goodluck sainyo
Đọc thêm