FTM here 30 weeks pregnant

Mga mi baka po pwede manghingi ng tips and help kung ano yung mga essentials needs ni baby na proven and tested niyo na. Like sa wipes, bath soaps, diaper etc. 30 weeks na po ako now and until now hindi ko pa din alam ano mga uunahin ko. TYIA po mga mi.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Basta sa damit wag mo damihan mga baru baruan bilis lumaki ng mga babies. ●Wipes Unilove yung gamit ko never nagka rashes si baby since newborn nya. ●Dry Tissue You really need this for alt sa wipes. Ito una ko pinupunas pag nag poop si baby, wipes na for cleaning, then tissue for drying tap tap tap nalang. ●Diaper Mga newborn pa si baby UniLove ang gamit ko maganda siya kasi hindi nag l leak at hindi rin nagka rashes baby ko. Pagka 1 or 2 months na siya EQ pants na gamit ko super absorbant and non leak. 10pcs 70 pesos lang naman kaya sulit narin. Para tipid² ako sa diaper ang ginagawa ko talaga is hindi ko pinapadiaper si baby pag tanghali kasi mainit rin saamin wala naman kami aircon, puro fan at hangin lang talaga kami kasi nasa probinsya rin e kaya tinatanggalan ko siya diaper sa tanghali ginagamit ko nalang is lampin niya. Hindi ako nagkakaproblem if maka poop si baby pag tanghali kasi may sarili talaga siyang routine kaya alam ko kung when siya nag p poop. Morning -pag bagong gising, 7am poop time niya then pinapaliguan ko na si baby and sa hapon 5pm nakakapoop narin yan siya then pinapaliguan ko na. Yan ang sched na sinabe ng Pedia ni baby. 7am and 5pm. ●Bath Soaps Hindi ako nag b bath Soap kasi hindi naman talaga dapat pa nag s sabon si baby up to 5 months. Tubig lang talaga hinuhugas para iwas rin rashes. Pero may Shampoo ako ginagamit kay bby. White dove na yellow ng PC collection - mild scent, hypoallergenic and organic ingredients lang siya kaya hindi matapang at mabango rin very softy yung amoy parang baby powder at hindi nangangasim si baby neto. But when it comes to body soap wala ako gamit pure water lang. After niya maligo gumagamit ako ng manzanilla then minamassage ko si baby kaya masarap tulog niya lagi. Tip ko talaga sayo momsh. Gumawa ka ng routine ni baby para hindi ka mahihirapan. Ito yung nakatulong saakin kaya hindi ako nahirapan sa baby ko and never na binat. At wag rin kalimutan na i pray mo si baby every gising and tulog mommy para safe at well si baby. Yun lang Goodluck sainyo

Đọc thêm

Basic na ang mga diaper, newborn clothes, etc. Pero bukod dito, Ito ang mga MUST HAVES for me (mom of two) 1) Dry wipes/cotton pads na binabasa ko ng pure water pampunas ng pwet - ang wet wipes maraming chemicals that can cause more rashes, even the unscented ones may preservatives. Manipis ang balat ng babies kaya mas nakaka-absorb ng harmful chemicals from regular wipes. Plain water is the BEST. 2) Mild cleansers for bathing from trusted brand. Choices ko ang cetaphil, mustela, or lactacyd kung may budget. Hindi nahiyang ang mga anak ko sa tinybuds. 3) Nasal Aspirator and saline nasal drops. Madalas barado ang ilong ng babies kaya iritable sila at minsan hirap magdede at matulog. Kung matanggalan sila ng bara sa ilong/sipon mas makakaginhawa sila at relax lang magdede at matulog. 4) Diaper Cream. Recommended ko ang Drapolene or Calmoseptin. Mabilis makawala sa diaper rash. 5) A good fit breast pump. Hindi kelangang mahal basta tama ang fit ng pump sa nipple size mo. Kung plano mo mag breastfeed/pump (and i highly recommend and advocate breastfeeding), makakahelp ito na dumami ang milk supply mo. 6) Mahabang pasensya at pagmamahal. Mahirap ang bagong panganak. Nothing ever really prepares you for it. Mapupuyat ka, mapapagod, at lahat ng matinding sakripisyo. Ibubuhos mo ang sarili mo sa pag aalaga ng baby mo kaya kelangan meron ding mag alaga sa iyo. Whether si husband mo, parents, in laws etc. always ask for help. Pero sulit talaga ang sakriprisyo ng motherhood.

Đọc thêm
4d trước

true lalo na #5 need talaga breast pump mahina talaga milk sa umpisa basta hot compres mo lang tapos pump klang kahit wala pa nalabas para ma stimulate breast mo magkakagatas at lalakas yan tiwala lng ganyan ako 4days after manganak bago may na collect na milk awa ng dyos kaka pump ko lumakas milk twin baby ko hanggang 3yr old ko na napadede

Wipes - basta water wipes dapat 99% water (check mo padin ingredients kasi yung iba may chemical padin, malalaman mo naman pag water lang talaga and or may kasamang natural ingredient like aloe ganun) and unscented dapat. Bath Soap - usually 2-in-1 ang lagi kong binibili (head and body) Cetaphil and Drypers ang trusted brands ko. Diaper - Trusted ko na huggies, nagtry na ko ng ibang mas mahal na brand at cheaper mas okay talaga sa baby ko huggies. kaya bumabalik padin ako sa brand na yan. Alcohol - make sure na walang moisturizer ang gagamitin mo kay LO para sa pusod niya. You need cotton balls din or squares. I have 3 kids na, yan talaga mga gamit ko. kung sa private hospital ka manganganak usually di mo na need magdala for baby eh, kasi provided na yun nila. (kasama sa bayad) new born outfit, liquid bath soap, diaper. Take home outfit niya na lang ang dadalhin mo.

Đọc thêm

When my LO was still a new born, we used Kleenfant Unscented Wipes and Diaper. Then, we changed to Huggies Diaper kasi mabilis na mapuno kay LO yung Kleenfant (I think ok siya for new born babies kasi frequently ka magchange ng diaper) Unfortunately, after a few months nagka UTI siya so nagchange kami both wipes and diaper. Currently, gamit na ni LO is EQ Baby Wipes (99.9% water, watery talaga unlike sa Kleenfant na medyo dry). Then, sa diaper, proven and tested talaga is Drypers (best siya lalo na sa gabi, naaabsorb niya yung wetness and pang matagalan siya. Syempre mommy need palitan as much as possible yung diaper para di mababad yung private area ni LO sa ihi). So far ok naman si LO😇 Sa bath soap, someone gifted us Cerave (pricey siya, but mild and unscented. I think mas ok yung ganyan for LO. Usually kasi unscented ang recommended ng mga dermatologists diba😉)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy. Bath essentials: Bath Towel, Bath Shampoo & Body Wash, Cotton Balls. Tip sa Brand: Depende po sa hiyangan ng baby, magtry muna po kayo ng maliliit na bote para hindi sayang. Ung baby ko nahiyang cia sa cetaphil. Bumibili ako online pag nkasale. Hindi din kelangan araw araw ang pagshampoo sa baby. Changing diaper essentials: Diaper, Cotton Balls, Water (wipes pag sa labas lang), rash cream Tips: Diaper depende din po sa hiyangan ni baby, nagtry ako mag explore ng ibat ibang diaper, pinaka okay kay baby ang rascal & friends and pampers. Kung nagtitipid, pede kayo magtry ng ibang mura like moose gear, hey tiger, others. Bili pag nksale sa online. Sa wipes - mas maganda po ung unscented and water based. Rash cream - mas maganda magtanong sa pedia.

Đọc thêm

Diaper- huggies for new born sakto ito ylga s mga new born unlike s ibng diaper. Wipes- unilove unscented wala nmn nging problem sa anak ko. Bath shower gel- Mustella or cetaphil baby bath hair and body na ito. Wag ka muna bumili ng breast pump. Kasi sayang sya if di nmn ganun kalakas ung gatas mo. Bili ka na rin paliguan ng baby. Then sa crib bilhn mo yung kahoy maggmit until 1yr old and up makakatulong rin to kapag naggabay o tumatayo n ung baby mo. For you naman. Bili ka ng binder para s tummy mo pede yung sa CS and normal.

Đọc thêm

small samples ng iba't ibang new born diaper.. depende san hiyang si baby. pero kami mamypoko ang ung EQ lng hiyang si baby. calmoseptine or diaper cream - good for rashes and mosquito bites na sya maraming maraming lampin. di ka manghihinayang kahit madami ka na nabili promise. 😅 baru-baruan - wag maxado marami mommy, sakto lng.. prang 12pcs lng ata ung akin before kasi wash and wear naman, ang bilis nila lumaki

Đọc thêm

-changing pads -tingin local diapers (makuku saken mas mura) -calmoseptine (di nako gmit vaseline) -poomsoft wipes (pero pg newborn cotton balls + onting sabon baby) -detergent soap baby (pwede perla white kung nagtitipid) -sariling thermos TAPOS WHITE DAPAT mga bedsheet. kita agad lamok at langgam -kulambo niya (iwas dengue)

Đọc thêm
Influencer của TAP

Sa wipes sakin mi ang nakapid po ni LO is snugglies baby wipes sa S&R available sya. Sa bath soap po naka try ako ng mustella hindi nya nakapid nag switch ako sa cetaphil baby. Sa shampoo po nya mula pinanganak sya mustella po gamit nya and sa diaper po kapid ni LO is rascal or pampers po.

unilove lang gina gamit ko nong bagong panganak ako diaper ang wipe pero sa pang ligo. at pang sabon tanda ko Aveeno yun gamit ko