Is cas really needed?
Mga mi ask ko lang po if required talaga yung anomaly scan? or ok lang na ultrasound lang po? Baka po may ma recommend po kayo na mura lang Malabon-Navotas-Monumento area po sana. Thank you mga mi! #1stimemom #advicepls #firstbaby
nirequire ako ng OB ko since high risk ang pregnancy ko. and mas gusto ko lagi nauultrasound para mabantayan ang development ni baby sa loob, and kung ok ba lahat. i did it nung 24 weeks ko and buti naman ok lahat. i take advantage sa lahat ng scans at tests to ensure my baby's safety and development. pricey nga lang. pero anything for my baby. no regrets sa gastos mas mahalaga padin si baby. 🥰 sa delgado qc po ako nagpa CAS, i think nasa 3,700 sya. 30 weeks nagpa bps with nst naman ako ang price is 2,000
Đọc thêmKapag may genes related disorders sa relatives niyo ni partner mo.. Usually required yan CAS.. O kaya kung highrisk pagbubuntis mo or pwede din kung nirequest mo magpa CAS Kami hindi naman nirecommend ni OB.. Sonologist naman din kasi siya natingnan din niya si baby ko kasi sabi din sakin ni OB ko ok ang heart, spinal at hindi bingot.. Anyway normal naman lahat at nakapanganak na ko nung feb.
Đọc thêmmine was not recommended as per my OB but can be requested by the patient. usually daw sabi nya nirerequire nya lang magpa CAS ang patient nya kapag high risk pregnancy like may GDM or kaya HB or kung may iba pang underlying condition si mother and if ever din na nagkaron ito ng anomaly sa unang pagbubuntis nya. but if none, di naman nya ako nirequire since normal ultrasound is enough.
Đọc thêmsinsuggest po ng o.b pero hindi xa required nsa inyu daw po mag asawa kung gusto nyu pagawa... sa case q kase nung 3rd baby q may nakita sa renal nya so buong pregnancy hanggang mnganak aq takot ako sa kung anu merun kay baby., nung lumbas xa at tinignan ng pedia ok naman daw xa wala daw xa sakit..
Eto din sabi ng OB ko nung nagtanong ako if dapat kong mag CAS. meron dw kasing chances na my mkita sa US tas paglabas ni baby ok naman. Kaya sabi niya if normal naman lahat ng labs and US no need na at baka mag worry ka lang the whole pregnancy if my makita tapos ok naman si baby.
Ako naman,ako mismo nag req sa ob ko pero Sabi niya masyado pa daw maaga 18w 1 day ako ngayon..Sabi niya sa October nalang daw ako magpa CAS gulat nga ako bakit sa OCTOBER pa 7 months na si baby sa tiyan ko sa buwan na yan..
Kapag high risk ang pregnancy mo Momsh irerequire yan ng ob mo. In my case hindi naman ako high risk pero pina CAS ako kasi nadulas ako nung 5 months si baby, to make sure lang na he's ok and no injury. Thank God he's ok.
sa amin po nirecommend sya ni OB sabay ng 3D ultrasound, maganda din po magpa CAS kasi talagang detailed and thorough po ang examination kay baby, plus yung 3D makikita po ang face ni baby so nakakaexcite 😊
hindi siya required as per my OB but she recommended it kasi you get to see yung development ng baby mo sa loob and if meron kayo dapat ianticipate because of some issues na makikita nila.
Salamat sa pag sagot mii
indi naman ata required kasi ob ko tinantong ako kung gusto ko, sabi ko mahal kaya un regular ultrasound lang pingawa nya
Hindi po siya required pag high risk lang po ata. 35weeks na ako ngaun at hindi naman ako pinag CAS ng OB ko.
Hoping for a child