17 Các câu trả lời

Nagustuhan ko 'yung Bughaw para sa pangalan ng baby. Parang ang kalmante pero di nasisindak ang dating niya. Di ko ma-explain. Pero nice siya. Nung nag-iisip kasi ako ng name gusto ko rin Tagalog words, puro descriptive words ang naiisip ko. Maganda pala ang kulay bilang pangalan sa bata. :) Maganda pong mapagkasunduan niyong mag-asawa name ng baby ninyo. Pareho namang maganda gusto niyo ipangalan. Kung pwedeng meet halfway sa pagpapangalan, bakit hindi? :) Try mo rin siyang ulit-ulitin along with your family surname. Kalaunan mababagayan siyang pakinggan. Lastly, wag mong alalahanin kung magiging tampulan ng tukso si baby pagdating ng araw dahil sa pangalan niya. Kung lalaki siyang confident sa pangalang binigay niyo sa kanya, di uubra ang panunukso sa kanya. Magmumula rin 'yun syempre sa magiliw na pagtawag niyo sa kanya na kalalakhan niya. ❤️

Okay naman na isipin din yung possible na name calling na mangyari, pero dahil mapapalaki nyo naman ng may mabuting asal ang anak nyo at maihahanda nyo sya sa realidad ng buhay, yun ang magiging shield nya from bullies at panunukso. Nawa'y maging matatag, maunawain at isang mabuting tao si Bughaw. P.S. sabihin na nating tuksuhun syang "bugaw" 'pagka-tungtong nya ng teen or early adult, nasa pagdadala na nya 'yon at magiging reaction sa panunukso. Hindi rin naman kasi natin kontrolado ang utak ng iba. Ang importante, maibahagi nyo sa kanya ang tamang asal at ang pakikipag-kapwa tao.

I prefer tagalog name for my baby as well. kasi lahat ng pangalan ngayon ng mga bata pang foreign na. Bughaw is okay, but Azul is better, check also the possibility of BLEU as a name. my sister's nickname is blu(e) very unique at remarkable naman. discuss nyo mag asawa, tell him of your agam agam about future bullying or what. at kung anoman mapagkasunduan nyo be proud and confident about it, plus pray for it.

samin ANYA lang dapat. kasi ayoko mapagod magsulat si baby girl kaso nakielam ung in law. hehehe lagyan daw maria. Mariah with H. kaya ayun naging Mariah Anya. hehehe mga lalaki makata. hehehe. bughaw. pero ok naman. blue parang nickname ng pusa . pero mas bet ko ung napili mo mi. Dustin Nicolai. pero kung kaya pagsamahin ung gusto ni hubby at gusto mo. why not. like Dustin Blue. para iwas tampuhan.

Mas maganda po yung name na napili niyo po. yung bughaw kasi parang madali siyang ma-bully sa name.. Mas cute po yung ni recommend nung isa sa nag comment na Dustin Blue / Dustin Blu ☺️ Kasi mas unique po ang name..

Mami, mas mganda ung sau, Dustin Nicolai... Yung Bughaw kase pwede naman sya.. kaso ewan ko b parng ibang meaning paglumake n e.. Nickname nya po gagawin nyong Blue? Blue itatawag? parng sa psyche kase blue means sadness ata.. hmm mas ok mie kung ikaw magdecide ng name, tutal ikaw naman naghirap ng 9 months e.. ☺️☺️🤭

Mommy Pag isipan niyo mabuti ang name ni baby mahirap kung masyado nga unique tapos si baby din magsuffer kung mabully siya.. btw 2nd name ng babybunso ko Dustin din ang ganda niyan🥰 tatlo name kasi ng baby ko hehe... pwede naman as nickname nalang ang Bughaw

I honestly like how unique bughaw/blue is. Staying true to your roots. And may name recall yung bata. I guess depende din sa surname. Minsan kasi may first and second names na masyadong foreign sounding tapos pinoy na pinoy naman surname at itsura ng bata.

May kilala ako pinangalan anak nila na Amihan, which is cute hehe. Siguro go with Dustin Nicolai then nickname niya Bughaw? Tulad nung anak nila Cong and Viy na Kidlat nickname pero iba real name?

May kilala kaming magkakapatid saka magpipinsan na puro colors ang pangalan. Pero English. Blue, Violet, Black, Green, Pink 😅 Cute naman kasi may isa pa silang name.

Inaanak ko si Ulap. anak ni Cong si Kidlat, anak ko si Sky. pamangkin kong girl si Anton (Antoinette) hehe.. iba na panahon ngayon, okay lang din po "Bughaw" para sakin

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan