Depende pa din sayo mi. Pero as a first time mom bigyan kita idea sa mga items nagamit talaga sa 1st month namin. 1. Baru baruan, pajama, lampin, bonnets/mittens/booties - ang dami nagsasabi bili lang ng ilang piraso kasi daw mabilis kalahikan. Pero mi take note ha, ang dalas magbihis ng newborn haha. Di mo masasabi yung mag leak wiwi sa diaper, mag lungad and malagyan damit, mga ganon. May 6 shortsleeves, 6 longsleeves baru baruan ako and every other day naglalaba na ko. Mura lang baru baruan sa shopee wag ka na bumili sobrang branded. If di ka makakalaba lagi, bili ka madami. Hindi sya sayang kasi gamit na gamit talaga. 1month na si bb and kasya pa nya as in so pinapagamit ko pa din. 2. Lots of cotton balls. Hindi mo kelangan mag hoard ng sobrang daming wet wipes. Cotton and warm water lang muna sa baby pag mag diaper change. 3. Diaper bili ka muna konti lang at least 2 brands. Sa case ko 3 brands tinry namin eq, hey tiger, unilove. Thankful na hindi maselan skin ni baby so never pa sya nag rashes. Wag mag hoard, sayang pag di hiyang and in a month pwedeng switch to small size na kayo. Sobrang bilis makabili if kulangin so no need to hoard. Diaper rash cream pang abang if mag rashes. Diaper changing pad. 4. Feeding bottle. Kahit sabihin mo nag mag breastfeed ka, hindi mo masasabi kung ano mangyayari pagkapanganak. Mabuti na may naka abang ka. Sterilizer if may budget pero pag wala pwede naman pakuluan lang. Brush cleaner, bottle wash. 5. Stroller, crib, assess muna if kelangan talaga. Depends sa lifestyle nyo. Kami every morning nag wawalk kami paaraw so gamit na gamit stroller. C Dalawa crib ni bb pero mas gusto nya sumiksik sakin so di nagagamit pareho. Pillows, blankets. 6. Bath tub, towels, basin, tabo. Baby wash wag mag hoard test din muna if hiyang. Sobrang tipid lang ng baby wash di mo need malaki kasi onti onti lang need ni baby pag naliligo. 7. Thermometer, nail clipper. So far ayan lang gamit na gamit namin. Di mo kelangan bumili nung mga nauuso ngayon na mga oils, creams, etc. bilin ng pedia namin di pa need ng baby ng mga oils creams lotion.
Đọc thêmkung needs lang po, eto ung gastos namin paglabas ng hospital: clothes (barubaruan, lampin, wala man 1 month na nagamit ni lo barubaruan) - 3k monthly expense: diaper (1st month) - 2k, estimate ko lang to kasi ung diaper binibigay ng MIL ko 😊 monthly checkup - 400 vitamins - 200 (depende kay pedia pa rin, 2 months nung nagvitamins si lo) wipes - 600 anti rash cream - 500 baby wash and shampoo - 700 detergent - 200 for newborn, I suggest bumili muna kayo ng maliliit na amount or quantity ng mga consumables. para malaman nyo kung hiyang bago kayo bumili in bulk at makamura. 😊 katabi ko matulog si baby at breastfed sya. 😊. 3 months na sya ngayon.
Đọc thêmwala po kaming exact amount pero kung bibilangin siguro hindi pa aabot sa 10k yung amin. Kasama na dun yung 120pcs nb diapers 5 sets ng nb clothes laudry detergent / fabric softener for baby crib set mosquito net mga need sa hospital bag yun lang. Konti lang yung binili kong baru baruan kasi madami akong nababasa na mabilis lumaki ang mga baby and ang baby ko ngayon is maliit lang siya kasi i think magagamit nya tong baru baruan nya hanggang 1month old siya.
Đọc thêm*first time mom
depende po kasi, sakin ngayon nakagastos na ko ng almost 15K 😅 paro lahat na yun kasama na yung bassinet/crib. naghanap lang ako sa online ng cheaper price pero quality naman.. then sa mga damit kasi, ginamit nya yung ibang damit nung ate nya na nawala na...
15k mi sa mga gamit palang yon huhu pero mababa na yon if sa mga online platforms ka bibili kasi makakasave ka aken kompleto na lahat lahat from newborn hanggang 6months na gamit nya, yung iba naman pre love lang kaya mas napamura mabilis lang kasi makalakihan
Ako nagtingin tingin ako sa FB mommy groups about sa mga worth it bilihin, tapos inassess ko sarili ko Kung talaga bang magagamit ko yung mga nasalistahan ko hehe. May mga inalis ako and budget from 15k down to 9k. Since mag EBF din ako 😊.
sakin po 4k kasama na breast pump at 120pcs na diaper. kung ano lang po yung importante yun lang ang bilhin mo. 2nd baby ko na to sa 1st ko naka 8k ako pero hindi din nagamit lahat, kaya ngayon mas alam ko na yung mga needs talaga.
depends, subjective kasi ang budget here are some tips to budget for baby's needs ✔️list down your baby's needs, ✔️check brands na cheaper pero okay kay baby ✔️avail available vaccines sa health center
Đọc thêmSa akin nagastos ko lahat is almost 50k. Wala pa din dito masyado damit for 3-6 and 6-9 months as well as diaper na small size. So need pa namin to buy para sa mas malaking sizes.
Sakin wala ako nagastos 😅 sobrang blessed namin at sponsored lahat ng gamit ni baby hehe. Ultimo paglabas nya pati mga diapers panay bigay ng relatives and friends hehe
Sana all mamsh. Hehehe