Family side ni mr

Mga mash feeling stress ako ngayon .. im on my 32nd week of pregnancy.. hirap sa pag kuha ng tulog, sa pag pwesto ng pag higa at alam naman ni mr. yun kaya nga pag nakakaidlip ako sa hapon hinahayaan nya ko kasi may time talaga sa gabi na di ako makatulog or tulog ako tapos magigising hindi na makakatulog ulit . Kagabi 11pm nakatulog na kami dala ng panahon tag ulan sarap ng tulog . kaso bandang 1 am ring ng ring phone ko kasi itong kapatid nya tawag ng tawag at nang gigising at magpapa ref daw ng ulam .. nung nagising ako dahil sa ingay ng phone ayun di nga ako nakatulog hanggang 5 am na .. sinabihan ko si hubby na ano ba yan ala una ng madaling araw mang gigising para lang maki ref akala ko naman sobrang importante .. mali ba ako mamsh kung sakaling makaramdam ako ng inis? Kasi nag sosorry si hubby na dahil nagising nga daw ako hindi na makatulog kaso kapatid nya daw yun ganun .. kaya ito feeling super emotional ako .. ang babaw ko ba? 😭😭😭

13 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Same here. Nakakastress kasi nung una lang okay sakin biyenan ko. Dati gustung gusto nya na magka-apo sa amin ng asawa ko pero ngayon ramdam na ramdam namin na wala syang suporta samin. Sa ngayon, naglilipat na kami ng gamit sa bago naming bahay. Kami na nag adjust kasi halatang halata naman na mas pabor nanay nya dun sa kinakasama ng kuya nya. Isa pa sa nagpapa-stress sakin yung bruha na yon kasi napakachismosa at sipsip sa nanay ng asawa ko. Ang kapal ng mukha eh kabit lang naman! Sorry sa term pero sobrang nagalit ako dun nung narinig ko na sinabi nun na sana daw maging monggoloid anak ko kasi nagsumbong yung anak nya na hinapas daw sya ng asawa ko kahit hindi naman. Sumobra pa galit ko nung di man lang kumibo nanay ng asawa ko sa sinabi nung impakta na yon.

Đọc thêm
3y trước

hindi ko sya hipag mami. babae lang sya ng kuya ng asawa ko kasi hiwalay na bayaw ko sa legal na asawa. kapal nga ng mukha ni girl eh. feel na feel nya naman. 1week pa lang yata simula nung naghiwalay yung kuya ng asawa ko sa totoong misis eh umeksena agad yon. Dala na mga gamit nya. Napakachismosa pa at mapaggawa. g kwento. Kasuka ugali kaya umalis nlang din kami ng asawa ko dun sa apartment nila kaysa makasama yung impakta na yun.

Mommy.. normal po.. nun nabuntis ako gang ngayun kahit comedy pinapanood ko naiiyak ako.. Sobra akong iyakin.. Kaya minsan ndi na ako nanonood ng mga palabas na alam ko negative.. tapos mga kasama ko sa bahay para bang hirap utusan kaya nag seaelf pity ako.. naiiyak nalang ako. stroke patient ksi father ko.. kaya hirap din sila.. naka bed rest din ako kasi high risk ako at maselan pagbubuntis.. may mga tumubo din na rashes sa katawan ko kaya lalo bumaba self esteem ko.. kaya oag nakkta ko katawan ko with marks parang naiiyak ako.. pero iniisip ko nalang God is good.. malapit ba makita si baby.. konti nalang🥰 laban lang momshie

Đọc thêm

thank you po at naiintindihan nyo po yung feelings ko .. ayos lang naman mag pa ref sila palagi naman namin tinatanggap pero yung 1 am lang talaga diko kinaya kasi common sense lang din sana na sa ganong oras ano bang expected ginagawa ng mga tao? tulog na talaga. kaya medyo nainis lang din ako talaga lalo na hirap nga makapwesto at humanap ng tulog. pero magaan na po pakiramdam ko ngayon at nag usap kami kahapon ni hubby at alam nya rin naman na mali kasi dis oras na ng gabi yun ❤️ thank you mga miii . God bless po saating lahat 🥰

Đọc thêm

Valid po feelings mo. I understand you po. Ganyan po talaga same din when I was pregnant. Kahit sabihin bawal magpuyat, hindi din talaga ako nakakatulog noon. Kaya kapag nakagawa ng tulog, nakakainis nga naman kung magigising tapos wala palang sense yung reason. 😒 32 weeks masakit na sa katawan yan. Dadagdag pa yung hormones. Buti na lang din si hubby mo naintindihan ka, and nag sorry naman siya sa iyo. Hinga ka muna mommy. Let it go. 🍃 I hope next time mapaalalahan ni hubby mo ang family niya since gets ka naman yata niya.

Đọc thêm
Thành viên VIP

I understand you po mommy 😊 same here hirap na hirap po ako matulog pag naman natulog para pong ayaw ko na bumangon. For the sake of ür baby po ignore niyo lang po yung ganung klase na pagmumulan ng argue. Huwag ka po masyado pastress. Kung unang beses lang naman po let it go and nag sorry naman po sayo si hubby mo. Since nagsorry naman po sya siguro naman po hindi na mauulit yung ganung pangyayari. 😊 Inhale! Exhale! lang po mommy palagi samahan niyo po ng prayer pagagaanin po ni Lord ang nararamdaman ng puso mo. 🙏🏻❤️

Đọc thêm
3y trước

okay naman na po pakiramdam ko magaan na po at nakapag usap naman na po kami ni hubby about dun at alam nya naman po na mali yung nangyari hindi lang po kasi yan yung unang nangyari paulit ulit narin po kasi nangyari kahit dipa po ako preggy pag gising namin minsan bukas na yung back door namin sa dirty kitchen kasi kadena na de lock lang po nilalagay namin hindi namin kinakandado at panatag naman po kami kasi sa compound kami kami lang naman pero ayun nga pag gising namin naka bukas na tapos yung ibang laman ng ref namin wala na tas kung dipa tatanongin ni hubby sakanila king sino pumasok or nanguha ng ganto ganyan dipa sila magsasabi pero never as in na nag reklamo or nag salita po ako against sakanila o inaway ko sila never po .. now lang talaga ako nag react na nakapagsalita ng 'ano ba yan ala una ng madaling araw mang gigising para lang maki ref akala ko kung anong sobrang importante' kaya naintindihan din ni hubby sitwasyon ko . pero ngayon po okay naman na ako ❤️ salamat po mams

Valid po yung inis niyo. Alam naman siguro ng kapatid niya na buntis ka at maraming changes sa katawan ng babae during pregnancy. Ganyan din yung kapatid ng asawa ko. Kapag di makontak yung asawa ko, ako yung tatawagan para mangutang. Palamunin kasi sa bahay yung kapatid kaya nakakainis kakakuha ko lang ng tulog, sisirain nanaman.

Đọc thêm

Una sa lahat mii, bastos ung kapatid nya para manggising/mabulabog ng 1am para lang makiref. Hirap nman tlaga kasi humanap ng pwesto para makatulog ang buntis lalo na pag malaki n ung tyan. Minsan pa pag dadatnan ka na ng antok, bglang sasabay pa ung pantog mo. Dapat tlaga pagsabihan ung kapatid nya.

Đọc thêm

For me, valid naman po. Hindi naman sa jina-justify ko kasi we're preggy. Pero in most days, ganun din ako, ang hirap talaga gumawa ng tulog at pagising gising.Kaya 'pag nakatulog, as much as possible, gusto sana natin diretso or mahaba na. Kasi 'pag nagising, struggle ulit pagtulog.

If once lang naman ginawa pag pasensyahan mo na. If lagi dun ka magalit. Grabe naman gigil mo sis. Wag ka pakita ng ganyang ugali if isang beses lng ginawa. Kamag anak mo narin yan. Kausapin mo maayos si Hubby. Pero wag ka mawalan ng respeto

3y trước

agree san sya banda nawalan ng respeto? diko gets comment nito . at sa pag intindi ko sa basa ko wala naman syang maling ugali na pinakita so ano yung sinasabi na wag sya magpakita ng ganyang ugali.

Hindi ka mababaw ganyan talaga pag buntis ako nga yung mga apo apo ng asawa ko di nya masaway pag malilikot kaya nagdaramdam din ako minsan skaanya