ABO Incompatibility

Hello mga mamsh..tanung ko lang kung may similar case samin ni baby. Nanganak ako Sept 23, 2021 via cs..okay si baby nakasama ko agad..next day naninilaw na sya then nirequire ng pedia iphototherapy..ABO incompatibility daw blood type O+ ako then si baby B+ same ng tatay nia..sabi ng pedia pag d naagapan ay utak ang maapektuhan. Sept 28, 2021 na dito pa rn kme ospital, lumolobo na ang bill dahil sa mahal ng room so nung tinanong kame ng pedia kung gusto na umuwi umoo na kme..di na talaga kaya financially walang ibang sakit si baby based sa mga test, walang infection o anuman..ito lang talagang high biliburin at paninilaw nia na nabawasan naman sa phototherapy un lang pabalik balik..kasi ang ginagawa ng pedia 1st day - 24hrs nakailaw; 2nd day - 2hrs on, 2hrs off; 3rd day - 2hrs on, 4hrs off; 4th day - 2hrs on, 2hrs off may same case po ba sa inio na nagokay naman si baby sa pagpapaaraw at frequent feeding? sa ngaun pinagmixed fed muna kami pero pure bfeeding po talaga ang plan ko..maraming salamat po Update: Oct 5, 2021 - nagpacheck up na kme sa ibang pedia at advised stop muna breastfeeding for 10days para ma-verify kung breast milk jaundice lang un kay baby..mabigat man sa kalooban pero para kay baby..🥲 Update: Oct 17, 2021 - okay na po kulay ng skin ni baby; may konti discoloration sa gilid ng mata nia pero anlaki ng improvement. Balik kme sa pedia ng Oct 23, sna totally wla na.. 🙏🙏🙏 #ABOincompatibility #jaundice #newborn #breastfedbaby

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kumusta na po baby niyo? sept 16 ako nanganak via repeat cs. okay si baby hanggang madischarge kami sept 18. sept 20 monday ng gabi napansin ng asawa ko manilaw mata at katawan ni baby kaya kinabukasan na namin sya napacheck up sa malapit samin na pedia, nagrequest ng test para sa total bilirubin. hindi pa namin napabasa yung result kasi naabutan na kami ng cut off. sept 22 sa hospital kung saan ako nanganak dun ko na pinabasa yung result ng blood test ni baby. mataas nga yung bilirubin niya ang cause hindi kami blood compatible O+ ako, si baby B+ parehas sa daddy niya. binigyan kami ng doctor ng dalawang option, pwede kami magpaphoto therapy o bilad bilad lang sa bahay. yung phototherapy ang pinili namin para makasiguro na mawala yung paninilaw niya. same day na admit kami sa hospital ng tatlong araw.

Đọc thêm
4y trước

hrap nga po magpaaraw kc ulan ng ulan, natatakot ndn ako kc baka di mawala paninilaw ni baby . awa ng dyos . nawala nman po ok na c baby ngaun wla ng paninilaw .