65 Các câu trả lời
since nalaman ni Hubby na pregnant ako sya na halos gungwa ng mga house chores, every Saturday since wla n syang work sya na ang naglalaundry, nagllinis ng toilet, pag aaus ng seggration na need itapon sa basurahn sa labas etc...... pero sa paglluto ako prin mas gsto nya luto ko. so, super maalaga asawa ko kahit caring na sya before now, na nabuntis ako mas lalo na syang maalaga! at kahit pala s pag groceries and going to the wet market. hehehe! at ayaw nya akong nagccomute bsta gsto nya rest lang ako.
First 3 months ko nandito si partner.. Seaman kasi sya so need umalis.. Tatlong beses ata lumalabas sya nun sa isang araw para lang mabili mga hiling ko kasi nasusuka ako at di makakain. Bed rest din ako kaya prepared na lahat ng food ko lagi sa tabi ng bed.. Linis din sya ng arinola ko kasi bawal ako maghagdan.. painit ng tubig kapag maliligo.. linis ng kama before humiga.. bili ng meds.. laba, hugas, luto.. In short lahat dahil bed rest ako.. Now hanggang messenger na lang kami.. 😢
Hindi na nya ko pinaglalaba, sya na naglalaba lagi kapag off nya, pinapagalitan nya ko pag kumakain ako ng bawal, ayaw nya nang sinusuway ko sya. Pero minsan iniiyakan ko lalo pag gusto ko talaga. Kaya no choice sya. Pag nagtatampo ako, kiss nya ko lagi sa noo tsaka kinakausap nya si baby sa tummy ko. Super alalay pag nasakay kami jeep lalo tricycle kapag bumabyahe. At syempre. Kada check up kasama ko sya. Di sya pumapayag mag isa ako nagpapacheck up.
Sobrang caring. Sya nagluluto, naglalaba. Lagi kami kinakamusta ni baby pag nasa work kami parehas. Mas concious pa sya sa kinakain namin. Hehe lagi nya ko nireremind sa mga dapat kong gawin at mga bawal. Lagi rin pinag iingat. Every hapon pag uwi nya hahawakan nya tummy ko at kmustahin kami ni baby plus kiss 😊 kinakausap nya din lagi si baby. Sa morning ganun din bago sya umalis papuntang work 🤗
Siya laba,luto,asikaso ng business namin.Minsan pagkahilamos ko kunin nya pa panty at pajama ko susuotan niya ko kase ang hirap yumuko,kusa niyang ginagawa pag kakita nya sakin galing banyo yun 🙂 nakita ko pa sa mga recently researched niya sa laptop how to be a great dad 😂 ang sarap niya magalaga,minsan sobrang sungit ko hnd niya ko pinapatulan,masasabi ko na swerte ako sa kanya tlga 😍
wala po akong marereklamo sa mister ko. this is our 3rd baby and still same parin ng excitement nya gaya nung sa first baby po namin. lahat ng gusto ko kainin kahit mahirap hanapin binibili nya, kahit nga di ko na kailangan iinsist nya na kailangan ko daw yun. 😄 sobrang supportive nya sa lahat ng check ups ko, vitamins at milk kumpleto. sobrang blessed po! thank you Lord!
Mabuti pa kau 😅 saken nsa other country sya.. Pero d sya nagkulang pra samen ng anak nmen..sinasakto niang off nia sa work pag may monthly visit ako sa OB pra alam din nya ung mga bagong knowledge about kay baby.. At super happy sya 😍 sapat na un saken kahit nsa malayo sya dhiL kahit nsa malayo sya d nia pinaparamdam na kulang.. 7 months preggy here.. First time mom 😘😘
napakasupportive ng asawa ko.sya kumikilos lahat.kasi nakabedrest ako.everymorning, may sinangag ako breakfast walang palya.bago sya pumasok sa office, tapos lahat ng gawaing bahay,like hugas pinggan.make sure din nya may pagkaen ako dito sa bahay.pag.uwi pa nya bago kame matulog, minamasahe nya pa ako pag may masakit sakin.kaya thankful ako sa husband ko.
Halos lahat ng kilos bantay sarado sa pagkain lagi nya akong sinasabayan sa pagtulog naman aayusin nya lage higaan namin ni baby para komportable kami ganun din sa mga inuupuan ko bago sya mag work aasikasohin muna nya lahat ng gawain pag dating naman nya hahalik na sakin lalo na sa tummy ko deretsyo lambing na sya pag bago kami matulog
sya gumagawa ng gawaing bahay laba luto linis lalo na nung first trimester ko kasi konting kilos nananakit tyan ko tapos nakamonitor yung pagkain ko kahit busog ako pag oras ng meryenda kakain dapat😂..gising sya hanggang 12mn kasi nagugutom ako di sya matutulog ng di ako nakakain ulit 😊 baka may ipabili pa daw ako😊😂