paramdam

hi mga mamshie share ko lang sa inyo ung tatay kase ng anak ko nung nalaman niya nuon na buntis ako okay naman kame tas nung nga ilang araw bigla siyang nag bago sabihan ba naman ako na ipaDNA daw ung bata syempre na offend ako bakit kailangan ipaDNA si baby e siya lang naman ang naka galaw saken grabe sakit nung naramdaman ko nunh sinabi ko sa mommy at daddy ko na buntis ako at nalaman niya ung sinabi saken na Ipa DNA ung bata nagalit sila dun sa naka buntis saken kaya pinahiwalay na ko ng daddy ko dun sa tatay ng anak ko . tas kung anu ano pa nakakarating saken na salita galing sa nanay nung lalaki na pokpok daw ako malandi daw ako . tas kung kanikanino daw ako umaangkas na motor ng lalaki at pulis e kilala naman un ng anak niya at lahat un kaibigan ko nung college . grabe sakit ng mga pinagsasabi saken nung nanay ng lalaki tas mga ilang buwan malaman ko may gf daw ung tatay ng anak ko 3yrs na daw sila di ko alam ung feeling na naramdaman ko parang gumuho yung mundo ko tas kung anu ano pinag sasabi saken ung gf daw ng tatay ng anak ko . di ko naman sasagutin ung tatay ng anak ko kung alam kong may gf siya . to make the story short inalis ko ung contac ko sa tatay ng anak ko .tas nung nanganak na ko tska sila nag paramdam saken pati ung tatay ng anak ko kesyo kamuka daw niya anak daw niya yun bakit ko daw pinag kakaila e nung buntis nga ako ni kaplastikan na pag dalaw di nila nagawa saken . nababadtrip lang ako kase ginagawa nila akong mukang pera babayaran daw lahat ng nagastos ko sa anak ko para lang makita nila apo nila mga pisti sila . pero desidido na ko na kaya kong palakihin anak ko kahit wala siyang tatay .

68 Các câu trả lời

Pwede mo parin naman ipakita ang anak mo pero mas better kung sila pupunta sa inyo para anjan din parents mo. Para iwas gulo baka ano ano nanaman sabihin sayo. Better isettle niyo para walang isyu sa future

VIP Member

Ang kapal nmn nung tatay at family nun, mas sinuportahan pa nila ang kaharutan ng anak nila. Kung ako yan ipagkakait ko yung bata, mag pa DNA muna kamo yung ng cclaim na tatay para sure ... kapal nya

VIP Member

Kung ako hindi ko na din siguro papakita tsaka nakaanak kana at lahat saka lang nag paramdam. Feel ko sinusulsulan lang ng fam ng bf/ ex mo na ipa DNA kaya bigla niyang naisip yun.

Kapal naman ng muka nila wag mo silang payagan na makita anak mo. Ng buntis ka kung ano ano paninira ginawa sayo tas ng nakitang kamukha ng tatay kapal parin ng muka makiusap kagigil sila

Kaya nga🤦

Tama yung ginawa mo. Hayaan mo na yun kung sino mang kumag na yun, Ang importante nasayo baby mo. Pagpalain kayo kaya mo yan lalo na naka suporta mommy at daddy mo sayo 😉👍

Yes , ipakita po pero wag tumanggap ng kahit ano from them. Kaya mo naman eh. Choice na ng magiging anak mo in the future if gusto nya makilala ang tatay nya at pamilya nito.

VIP Member

Good decision..iwas toxic people!..that's the spirit sis..pero kht pano ipakita mo pa rin saknila PERO dapat lage ka kasama.baka itakas eh..hehe..God bless sis😊

VIP Member

Gigil ako!!😤 Naku momsh wag mo pakita yang baby. Ang kakapal ng muka nila. Isipin mo lahat ng mga sakit na ginawa nila sayo. Wag ka padala. Wag mo ipakilala yan sknila!

hindi ko talaga ipakita anak ko na kanila ano sila swerte hahaha

Hayy naku sis hayaan mo nga cla..Lalo na yang tatay NG anak mo...ipamukha mo lahat sknya ginawa nia nung buntis ka para matauhan..gigil Nia c ako 😁

VIP Member

Dapat dinemanda mo yung nanay ng guy kc paninirang puri yun and baka sya din ang cause kung baket naging ganon ung isip ng guy sau kaya nagrequest ng DNA

pinabayaan na lang namen kesa lumaki pa ung gulo . sila naman ang nag hahabol sa wala ngayon .

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan