mali ba ako

Mga mamshie pa advice naman or pa correct ako kung mali ako, nung after ko manganak d na kmi naging maayos ni hubby kasi ngka utang utang kmi not expected kasi na ngka infection si baby so ung budget namin sobrang na short,ngaun dahil dun sabi ni hubby dun kmi na tumira sa kanila, since kakapanganak ko lang d pa pwede ibyahe si baby,saka mas gusto ko samen kasi sa knila wala naman tutulong saken,ung inay nya maxado na matanda para tulungan ako. E dito samen atleast kahit papano my.kapalitan ako mgalaga sa anak ko at makakapahinga ako kahit.konti. mali ba ako na ginugusto ko magstay samen kysa sa knila? Tingin ko kasi mula.lang ngkautang kmi saka nya pinipilit na dun mgstay sa knila.saka tama ba un wala pa 1month ako nanganganak d na nya ako inuuwian tinitiis nya kmi magina nya saken ok lang na tiisin nya ako pero ung anak ko,ibang usapan na un tapos mgttxt sya na d ko daw sya na balewala lang sya saken, e mas ako nga nakakaramdam na balewala lang kmi ng anak nya saknya e.until now hindi kmi ok andun sya sa knila tapos kmi ng anak ko dito samen

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Baka nasaktan mo Yung ego ni hubby mo sis.. in a way namomoblema n siya kc madami Kayo utang Kaya gusto k Niya makasama and si baby khit papano para mabawasan ung bigat din n nararamdaman niya.. nagtatampo cguro siya momsh.. mas ok Kung mkausap mo siya and mailabas Niya sayo ung mga concerns Niya ska Kayo mag mag meet halfway Kung paano niyo masusulosyunan.. as much as gusto mo siyang sagutin sa mga accusations Niya or masakit niyang salita better listen muna and let him na mag vent out.. pag ok n siya at tingin mo ready kna Niya pkinggan ska mo sabhin ung dhilan mo in a way n nag papaliwanag ska di naninisi kc pag naramdaman nya n sinisisi mo siya bbalik siya sa defensive mode d k niya mapapakinggang mabuti, in a way kc Parang Ang dting ikaw lng ung nasunod. E siya ung lalaki parang sa kwento mo naramdaman Niya n di siya good provider and ayaw mo siya makasama aside sa reason n wla k tlga katuwang n mag aalaga sa Bata.. opinion ko lng Kaya bka gumaganti siya n iparamdam sayo n he doesn't care. KC un din naramdaman Niya from you.. pero I don't know bka Mali din ako kc side mo lng din nmn Alam ko. Goodluck pray k lng maayos din Basta be humble n makinig and make a way to amend wag Po unahin Ang galit at inis Wala Po maayos pag gnun.. 🙂🙂

Đọc thêm
5y trước

Welcome.. balitaan mo kmi ah. Hopefully maayos niyo agad.

Kung ako, siyempre mas komportable ako kung sa amin ako titira. Mas makakakilos ako ng maayos, mas makakapagsalita ako ng malaya. Hindi kita masisisi, at siguro issue yan sa father ng anak mo... BUT mali yung tiisin ka niya, lalo ang ANAK niyo. Sakin din di ppwede yan, gawin niya na sakin yung ganyan, pero wag sa anak ko. Mainam pa din na magkausap kayo, kung ano ba talaga... Para malinaw na kung kayo ba e maghihiwalay na o aayusin niyo pa. Ikaw na ang mag-initiate, ngayon kung aayawan ka na, aba e kunin mo ang para sa anak mo, magbigay o magpadala na lang siya ng sustento. Wag kayong mag-aaway dahil lalo kayong walang mabubuong desisyon.

Đọc thêm

pero mommy sa side ni hubby mopo, nahihiya talaga sa side ng lalake na makitira sa mga misis nila. pero tama nadin na jan ka nag stay kasi kung alam mopo na mas magaan buhay niyo mag ina jan. saka pano mopo ba naramdaman na nababalewala kayo dahil po ba sa financial support ? o di niya kayo kinakamusta? pero pwede naman po itry modin po yung plano niya para sa inyo, kasi sa mag asawa talaga lalake mas dapat masunod sa mga desisyon kung di naman makakasama pero kung dipo mag work sa inyo dun kanalang po siguro mag suggest 😁❤️ kaya niyo yan ni hubby nag sisimula palang kayo

Đọc thêm

Cgro sis dhl dn sa pride. Ang mga lalaki ayaw nila pinapakita sa biyenan nila ang mga problema nio lalo na pg financially, mahihiya un lalo na sa tatay mo. Mg compromise kayo, pgusapan nio mabuti para sa bata. Pero lagi mong y remind sarili mo ang sbi ni Lord, submit yourself to ur husband. Try mo sya mg decision para sa pamilya nio, mgpasakop ka sa knya kung un ang way para masiayos kayo. In the end naman makikita nia outcome ng mga nging decision nia. Atleast wala sya masasabi sayo.

Đọc thêm

Moms baka kasi nahihirapan lang si hubby kung sainyo soya titira baka di na totally ma provide yung need niyo kung sakanila baka iniisip niya lang na may makakatulong saknya thru financial, better talk to him at ipaintindi lang saknya yung part mo sabhin modin saknya na kailangan molang din ng kasama kasi kung sakanila kyo baka mahirapan ka . Basta pagusapan niyo lang po ng maayos listen lang sa bawat side . Communication ang kailangan niyo and understanding.

Đọc thêm

True mahirap talaga yung mag alaga ng newborn pero alam mo momy, kinaya namin ng asawa ko na 2 lang kami. Wala tulong sa parents ko kasi malayo sila pati in laws ko na nasa abroad naman. Pag usapan nio po and ask him if titira ka ba sa kanila eh tutulungan ka ba niya sa pag aalaga? Walang di nagagawa if magtutulong kayo ng asawa mo. Wag mo na masyado asahan mga magulang niyo kasi matanda na kayo ng asawa mo. Kaya niyo yan ng 2 lang kayo.

Đọc thêm

Mag usap nalang kayo ng maayos. Kulang lang po siguro kayo sa pag uusapan ng mahinahon o pag uusap na talagang may solution. Okay din naman na jan ka muna sa inyo, iba talaga pag nasa sariling bahay. Hindi mahirap kumilos. Lalo na at sensitive tayo after manganak. Kaya niyo yan, basta para sa bata go lang! ❤️

Đọc thêm

Mag-usap kayo ng maayos at huwag po madalos dalos sa desisyon. Ang opinyon ko lang sana iniisip niyong pareho ang kalagayan ng bata. Kahit magkautang utang kayo, ayos lang kasi nababayaran yan eh. Safety pa rin ni baby ang mahalaga. Huwag maging selfish sa panahon ngayon. Yun lang po.

Thành viên VIP

Ano po daw dahilan bakit ayaw niyang tumira jan sa inyu. Ipaintindi mo po sa kanya reason mo kausapin mo ng maayos. Mahirap po talaga walang tutulong pag aalaga sa baby in my case ilang beses ko nang tiniis natatae o naiihi ako kasi walang magbabantay sa anak ko.

5y trước

Ndi naman ganun

D ko masabi na mali ikaw at tama sya. Opinion ko lang.. Dapat nag usap kau ng maayos and inexolain mo ung situation kung dun ka sa knila mag stay at jan sa family mo mag stay. Cguro naman makakagawa kau ng solution sa issues nyo..