Pregnancy!

Hello mga mamshi. I'm 7 months pregnant na Normal lang ba yung pagsakit ng puson kapag naglalakad? Kasi nagpa check up ako sa OB ko last saturday sabi ko may concern ako kasi lagi naninigas tiyan ko tapos may time na maglalakad lang ako tapos sumasakit pwerta ko and puson tapos pinahiga niya ako for IE tapos yun nga nakabukas ng konte yung sa pwerta ko pero dipa naman umabot ng 1cm then binigyan niya ako ng pampakapit muna. Pero till now may time padin na minsan pag naglalakad di maiwasan sumakit yung puson ko. Kinakabahan lang ako baka manganak na ako natatakot ako for baby kasi mahina pa daw baga niya kapag ganto. Pls help mga momies ano dapat kung gawin para di muna lumabas si baby. Sabi ni doc kung pwede hintay pa daw ako ng 6 weeks para dina mahina baga ni baby. Thank you in advance sa mga sasagot momies #theasianparentph

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

"According po kay Dr. Chris Soriano from our #AskDok Live chat session: ""If your pregnancy is between 24 to 36 weeks and you feel or experience ANY of the following, then it is better to go to the hospital, specifically at the Labor Room, for you to be examined by the staff-on-duty so they can examine you and inform your OB-GYN. 1. Regular pain on the lower abdomen (puson) or regular contractions (paninigas) of the uterus (matres) which does not stop. 2. Vaginal spotting or bleeding. 3. Watery discharge or leaking fluid (panubigan) 4. No fetal movement or no baby kicks for the whole day. Normal fetal (baby) kicks or movements is 10 or more within 2 hours."""

Đọc thêm

Strict bedrest. Ob should check your urine bka may infection. Infection cause waterbag to break, paninigas ng matres and can trigger cervix to open. Avoid walking and standing if needed lang po talaga. Ako kse lagi my duvadilan kpag naninigas ang matres. Delikado po kse na laging naninigas matres nagcocontract po yon it will lead you to preterm labor. Take care and bedrest po atleast 1wk more water

Đọc thêm
Thành viên VIP

Bed rest ka lang Mamsh, kasi sa akin suhi si Baby and sobrang baba ng placenta ko kaya advice din ni OB wag ako magkikilos masyado dahil napaka delikado daw po. Thank God kasi never naman po ako dinugo kahit di ko pa alam na ganon na pala sitwasyon ko. Sundin mo lang kung ano sabi ng OB mo. God Bless!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy kamusta ka po? I’m also 7months pregnant, medyo nagworry lang ako kasi madalas din natigas ang tyan ko pero nawawala din agad at wala namang pain sa puson... ung pananakit ba ng puson mo parang mens na mgkakaroon ka???

mamsh,inadvisan ka ba ni OB mo na wag magpatagtag?dapat pahinga ka lang mamsh at bedrest.literal na pag cr lang ang gagawin mo pagtayo.

Thành viên VIP

pagpahinga nyo lang po, wag po muna gagawa ng mga nakakapagod na bagay or yung matagal sa pagtayo. rest nyo po muna talaga :)

strict bed rest ka mamsh. bawal muna lakad ng lakad. literal sa bed ka lng dapat

Thành viên VIP

Hala, pahinga lang mamommy. Wag masyadong gunalawgalaw. be safe!

bed rest ka po muna mommy.

bed rest Momsh