Pregnancy

Hi mga mamsh... I am 7 months preggy. Ako lang ba yung may nanay na mejo traditional. Love ko si mama and i respect her. Kaso ayaw nya ko painumin ng mga gamot na nireseta ng ob ko sakin dahil baka daw makaapekto sa bata. Sabe nua nong pinagbubuntis nga daw nya kami wala naman daw sya iniinom pero malalakas kami’t malulusog. Lahat kami normal. Miski vitamins wag na daw, lalo na nung nagcontract ako. I trust my ob din. Inexplain naman namen kay mama plus si hubby nurse eh ayaw nya naman ako nagsskip ng gamot... Kaya pag nainom ako ng gamot, patago... Mahirap eh. Ingat lang bibig ko pag tinatanong nya ko about pregnancy ko kase baka biglang tanungin nya ko about sa gamot... ☺️ Hayyyy share ko lang mga mamsh.

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iba ang traditional sa ignorant. Lets be honest, the doctor will always educate us what is best for you and your baby let it be share with your mother. Mas maganda ipaliwanag mo sa kanya yung kagandahan ng epekto like vitamins sa baby at kung papaano ka poproteksyunan nito sa anumang sakit. Yes we love our mother we respect them but always consider what is best for you and your baby their time is different from yours. ☺️

Đọc thêm

Take consideration rin po yung environment at food na meron tayo ngayon. :) Yun nalang isipin mo, making sure na safe at healthy ang baby mo is not a disrespect naman po. Mother ka na din :) And if hindi maganda sa bata ang mga prescription ng OBs di dapat halos lahat ng lumalabas na baby eh may problem.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ikaw ang masusunod pa rin. Sinasabihan din ako mama ko na puro gamot na ang baby ko. Pero kung hindi siguro ako uminom ng mga pampakapit baka nawala na si baby ko. Nung panahon ng mga magulang natin mas maraming nakukunan, namamatay na anak at nanay. Maswerte lang sila at hindi sila kasama dun.

cnav rin po ng mama ko sakin na nung pnag.bu2ntis nya po kmeng mag.ka2patid wla nman dw po syang mga iniinom na gamot kht vitamins pero d nman nya koe pnag.ba2walan ngaun kng anung iniinom kong gamot .. nga2lit pa nga sya sakin kpag nka2limutan koe uminom ee 😂😂

Explain mo na lang mommy sa mama mo na iba na panahon ngayon. Noon, less pollutants, less GMOs sa mga pagkain, sariwa hangin. Ngayon hindi na. Inadequeate na talaga ang mga vitamins and minerals na nakukuha natin sa food kaya need na talaga magvitamins.

Sis ok lang yan na itago.mo sa mama mo na umiinom ka atleast sinusunod.mo ob.mo.para sa baby mo iba iba kasi ang buntis pwede.kayo malusog pero iba ang baby mo pwedeng nd nya nakukuha ang sustansyang kelangan nya ng sayo lang at need nya ng vitamins

Ganun din po sa amin mummy.. Dati kasi hindi nmn uso ang mga vitamins and all.. Yong mama ko din hindi dw sya nainom ng kung ano dati kasi sa bundok nmn sila nakatira lagi lang sya nag gugulay. Malulusog nmn kame lahat.

Iba kasi noon sa ngayon momsh. Lalo na ang mga food noon, sumasapat pa sa nutrients dahil wala gaano chemical. Pero ngayon, super dami ng artificial kaya need mag take ng prenatal vitamins.

Thành viên VIP

Parang ang kulit ni Mommy mo sis. Haha pero take ka pa din ng vitamins. Iba kasi nuon eh

Importante po ang mga prental lalo na ngaun na ndi n lahat heLthy kinakaen po sis