21 Các câu trả lời
Kapag lalong nagiging yellow si baby balik mo sa pedia pero kung nawawala naman tuloy mo lang. May nabasa ako na talagang phototherapy lang magbbreakdown nung jaundice ng baby, need kasi nung blue light spectrum and sa pagpapaaraw konti lang nakukuhang blue light. Sa ibang bansa nga di pinapaarawan ang babies. Pero basta nagpupu yung baby, malalabas din niya yung bilirubin sa katawan niya until makacatch up yung liver niya sa pagprocess. Nung nabasa ko un article na yun di ko na pinaarawan si baby ko kasi mukhang nasunburn ko na siya, nawala naman ng kusa after lampas 2 weeks pero wala naman kami abo incompatibility, exclusive breastfeeding lang si baby at nasabihan kami ng pedia na pwede umabot ng 2-3 months (months talaga di weeks, di ko sure kung nagkamali siya) yung breastfeeding jaundice.
May tawag po sa baby na naninilaw it's called " Bilirubin Baby " same kayo ate ganyan din sila hubby nya due to blood incompatibility lahat anak nila is naninilaw or bilirubin paglabas, 1 week pa nag stay hospital mga anak nya kasi tinatapatan ilaw 24hrs talaga buong katawan hanggang mawala paninilaw, pacheck nyo po pedia si baby to make sure hope it will help
Normal sa babies ang ganyan. Pero may other reasons like incompatibility ng dugo ng parents, liver issues, ganun. Usually ang sinasabi ng pedia paarawan saka breastfeed pero pag hindi nawala un within 2 to 3 weeks papailawan ang baby sa ospital (yes parang sisiw). Pag hindi pa rin un nagwork lab tests na. So better yet dalin sa pedia mamsh
May blood incompatibility po talaga kami. Ako type O+ si bby is Type B+. Nagpalaboratory na kami so far okay naman yung results, sabi naman ni doc paarawan lang daw talaga as long as hindi daw nagkaka-fever si baby, eventually daw mawawala. But since scheduled nami for check up this Oct. 30 papa check namin ulit kay doc.
Sabi ng pedia ko usually pag breastfeed ang baby mga 1-2 months bago mawala yung pagiging yellowish ng baby. Tiyaga lng din po sa pagbilad every morning, diaper lng suot ni baby tas takpan yung eyes niya. Tas ibilad si baby ng 30 mins sa front, 30 mins back
1 mo. bago mwala ang jundice nya mommy. yellowish of skin and eyes ng baby. pa araaw lang ginawa nmin. nka diaper lang. 30 mins harap then 30 mins likod namn. araw araw yun. tska more intake ng bf pra ma normalize yung dugo nya.
Ako dalawang baby ko ABO Incompatibility, pero my pedia decided na ipasok sa NICU para ma -monitor ang Bilirubin nila and talagang whole day na naka-bluelights. Pero depende din sa baby yun. 🙂
Thank you so much!!
Paaraw mo mommy. Pero yung baby ko, paglabas pa lang niya naninilaw na siya kaya sinuggest ng OB namen na iphototheraphy siya. Nawala rin after 24hrs niya dun.
Yes, yes thanks!
Baby ko nanilaw 1 week May nabasa ko pwede Gawin is padedein lng Ng padedein Ayun lng ginawa Ndi ko sya Pinaarawan kasi tag ulan nun . Nawala agad
same case mag 2weeks na baby q bukas madilaw parin. mata nya pinapaarawan q naman lalo tuloy aq puyat kakaisip qng ok lang ba LO q😭😭
Ibilad mo lanh po momsh every morning mwawala din po yan pero pag di po nawala after a month pa check up mo na po
Zalyn Diaz