ABOUT UTI.
Hello mga mamsh. Tanong ko lang po! Na detect po kasi last thursday sa result ko ng ihi na may uti ako. Ngayon nag aalangan po ako uminom ng antibiotic dahil kaka antibiotic ko lang last month. Kaya ang ginawa ko po imbis na mag antibiotic ako nag bubuko ako minsan at more water a day since last week. Nakaka 10 to 12 glasses a day ako 1 week na po. Kanina parang gusto ko nalang mag take ng antibiotic kaya nag punta ako sa mercury drug. Sabi ng pharmacist lagpas na daw po ako sa araw ng pag inom which is tama naman po kaya di nya ako binigyan at mag ask daw po muna ako sa OB ko just to be sure na papayagan pa din po na inumin ko yun. Ask ko lang po, Possible ba na maalis ang UTI ko sa buko juice at more water? Nag woworried po kasi ako. Thankyou sa sasagot! 🙏🏻#pregnancy #pleasehelp #2ndbaby #25weeks5days
ako 2 weeks ago pinag take ni dok ng antibiotic.good for 7days un every 6hours.28pcs punabili nya.natapos ko cya .kanina nag ff ako meron parin ako uti pero dina ganon kalala pero pinag tatake parin ako n ob ng antibiotic good for 3 days nalang dw 12pcs.every 6hours parin.branded na 75 ang isa eh.d ako nag 2 isip na bilhin at inumin kc my trust naman ako s ob ko at nararamdaman ko naman na medyo may konting pain pa s loob ng pempem ko eh.bka pag dko sinunod c ob bka lalo mapahamak kami n bb.d naman mag bibigay c ob ng gamot kung makakasama s atin bb po. saka ung mga gamot na antibiotic n binibigay s atin sumasama agad s ihi natin.🙂.ginawa ko rin po yang puro buko,prune cranberry juice at 8 or 12 glasses puputok n nga ata ung tiyan ko s kakatubig kaso kanina s urinalysis ko may uti parin.kya heto inom ulit ng antibiotic
Đọc thêmMommy taga San Ka po ? sa City Lab po kayo nag pa Lab? same po Tayo 😊Dapat po ginawa nyo po sinabi ni OB nyo po . alam ko po worry kayo Dahil Kaka antibiotics nyo Lang po .un po bang Pag take nyo ng antibiotics last month sa UTI din po ba un? alam din po ba un ni OB. maganda rin po ung Pag inom nyo ng buko juice at more water . ako po Kasi last Checkup ko Okey na lahat ng lab ko pati ultrasound ☺️. ung sa urine Lang may prob . may UTI ako .ginawa ko ung sinabi ni OB ko after Checkup bumili na ako ng antibiotics then after 1 week nag pa lab ako Ito na po result . kakatapos Lang ng checkup ko nung Thursday 😊 UTI treated na po ako... pacheck up po ulit kayo or Pag lab ulit para macheck Kung nawala po UTI nyo..kahit buko juice at water ginawa po ninyo if Hindi need po talaga mag take ng antibiotics.
Đọc thêmdi po dapat ipinagwawalang bahala ang uti dahil kapag yan lumala mas mahirap. ako naguti ako 1st week june nag antibiotics ako 1 weeks akala ko okay na then kahapon lang follow up check up ko sa OB ko puro nana padin ang ihi ko I dont know why water naman ako palagi at buko,. now naka sched ako for urine culture and sensitivity para makita kung anong bacteria ang nagcacause ng UTI ko. Ang mahal ng Urine C &S 🥲 yung gipit n gipit na kayo halos walang wala na pero ang daming need gawin sayo na lab,. pero laban lang para kay baby lahat kakayanin
Đọc thêmNakakatulong yung water and buko but then mas mapapabilis na mawala ng UTI mo is with the help of the antibiotics. Tell your OB nalang sa nangyari para maresetahan ka ulit ng gamot. Trust your OB. Iniiwasan kasi talaga na magka UTI tayong mga preggy. Kasi based sa explanation ng OB ko, magkatabi kasi ang bladder at ang uterus. Kapag may infection ang bladder, pedeng mahawa ang uterus sa infection na pwedeng maging lead cause ng miscarriage, preeclampsia and pre-term labor. Kaya much better to trust your OB regarding sa medicine na nirereseta nya sayo. ☺️ Get well soon to you sis.
Đọc thêmif buntis ka at may uti, magpaconsult agad sa ob. delikado ang infection sa buntis. ung katrabaho ko dati, nakunan dahil napabayaan din nya uti nya kaya sising sisi sya. hindi nman masamang mag antibiotic bastat sundin mo lang ang instructions ng dr. kaya sa ob ka magpaconsult dahil alam nya ang safe na antibiotic for pregnant women. at importante na pag sinabi nya kunwaring 7 days inumin ang antibiotic, dapat 7 days nyo talaga iinumin kahit pa mawala ang sintomas ng uti nyo.
Đọc thêmMas malala yung sa akin kasi Abundant yung bacteria ko so binigyan ako ng OB ng antibiotic, 2 times per day for 1 week pero dahil sa takot ko, mas uminom ako ng 3 liters of water and buko juice then nagpa test ulit sa Urine pero abundant pa rin so wala na akong choice kundi inumin na yung antibiotic na binigay sa akin ng OB ko then after 1 week okay na yung result sa Urine ko..Nakakatakot talaga uminom ng Medicine pero mas nakakatakot kapag magka UTI.
Đọc thêmBacterial infection po yan kaya need talaga ng antibiotic para mawala sila. Once nag start ka sis sundi mo ang time at dosage na sabi ji doc, wag magskip/ lumampas sa days na dapat nainom ka kasi hindi tatalab ang gamot, msasayang lang at ang malala bka magresist na ying bacteria sa gamot at need ka resetahan ng mas malakas na klase ng antibiotic next time. Kaya wag balewalain ang mga UTI at sundin po ang prescription. Get well sis..
Đọc thêmakala ko din dati madadaan sa buko at water eh ndi din ako nag anti biotic ending naospital ako kasi sobrang taas na ng wbc sa ihi ko.. basta wag ipagwalang bahala kasi risky yan for baby, grabeng pagalit inabot ko sa mga nurse sa ospital sabi ko din akala ko kasi madadaan ko sa water at buko..
Buko everyday momsh, super effective yun.. Malapit nako manganak may uti padin ako, nakadalawang set ako non ng antibiotics pero meron pdin.. pangatlong bigay nila ng set of antibiotics sken hindi ko na ininom , 1 week ako ngbuko tas pagcheck ko ulit, wala nako UTI..
ako po 2-3 liters ang advice sakin na inumin, wag po kayo matakot pag pinag antibiotic kayo kase safe nmn po yn s buntis, ung friend ko nga sa buong pregnancy nya ilng beses daw xa nag aantibiotic pag nag kaka uti xa, lumabas nman na ok ng baby🙂
Got a bun in the oven