8 Các câu trả lời
ang transvaginal ultrasound po ay para sa early weeks lang, up to 13 weeks (1st trimester). PELVIC ultrasound na po yan pag 5 months. nagkakaheartbeat po ang baby as early as 6 weeks. kung umabot po kayo ng 5 mons ngayon may heartbeat po talaga sya. nakapagpacheckup na po ba kayo? kasi nirerequest po ang ultrasound kahit nasa first trimester pa lang po para makita kalagayan ng pinagbubuntis nyo.
hindi na trans v ang 5 months, pelvic na po. the baby's heartbeat SHOULD be detected na at this age. but I guess, 5 weeks ibig mo'ng sabihin? namali lang ba pag type mi? kung 5 weeks, it's too early. may ibang nag po-post dito 5w wala pang heartbeat. siguro wait until mga 9 weeks baka meron na yun. sakin 9 weeks meron na
5weeks wla papong heart beat 6 to 7 Meron kaso mahina detect sa trans V 8 pataas Yan malakas lakas na Kasi nag pa trans V Ako Nung 7 weeks And 2days yung bby ko sa Tummy ko Ang hina ng heart beat parang pitik pitik lang pero na kikita namin sa monitor na my tibok na Po heart nya☺️
nung ako week 8 ako nagpatransv at may HB na sya... for 5 months dapat nakapagpaultrasound kana para knows mo if there is anything needs to be check kay baby. kasi during prenatal checkup irerequire ka naman or rerequest ni OB ung ultrasound.
true mi pelvic na. possible na nga nia malaman gender ng baby nia.. pero much better magpacheckup at ultrasound sya to be sure na safe si baby or may need imonitor kay baby.
Kapag ganyan kase bibigyan ka ng OB mo ng schedule if kelan ka talaga magpapTVS yung 5weeks kase medyo maaga pa. Yung OB ko pinaTVS niya ako after 7 or 8 weeks yung tummy ko at may heartbeat na silang nakita
Wala pa pong heartbeat sa'kin nung 5 weeks. PinatransV lang po ako ng OB ko para malaman kung ectopic pregnancy or normal naman yung akin. Pinabalik ako after 2 weeks para magpatransV ulit.
At 5 months, dapat po rinig na rinig na heartbeat ni baby. Pwede na po kahit na abdominal/ pelvic ultrasound.
Yes po. I had my TransV when I'm 5weeks pregnant may heartbeat na agad si baby
Anonymous