Working Mom Vs. Housewife

Hello mga mamsh sino po dito ang working mom or housewife? I have 3months old baby and my maternity leave will end on april 19.since my ECQ happy ako kasi ako pa din fulltime makakapag alaga kay baby, ngayon wala pa kame mahanap na pwede mag alaga both parents namen hindi pwede so last option is mag resign ako confident naman si hubby to support our needs, pero gusto ko pa din mag work, gusto ko may own income to provide din, pero gusto ko din naman mag alaga para masubaybayan ko ang mga milestone ni baby, si hubby ako na daw mag decide kasi ok lang naman sa knya kung ano maging decision ko dahil alam nya na i still want to work at ayw ko ingive up ang career ko pero mas ok daw sana ako na lang mag alaga para mas panatag kame 50-50 ang puso ko kung ano ba ang best decision na gagawin ko though pinag uusapan naman namen ng masinsinan.. Need some word of encouragement and wisdom :)

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Kung may mag-aalaga po kay baby, go na kayo sa work. Dagdag income na rin. Kung wala pa mag-aalaga, okay lang kung kayo mag-aalaga. Mas matututukan niyo po si baby. Sa experience ko po kasi need ko magwork dahil marami po kami dito sa bahay. Sabi naman ni hubby noon kahit huwag na ko magwork pero syempre po iba pa rin kung may dagdag kita. Mabibili mo mga needs ni baby at mabilis po makakapag-ipon para sa future niya. Opinion ko lang naman po. Nasa inyo pa rin decision. Parehas naman na walang mawawala sa decision na gagawin mo. May magandang bunga sa gagawin mong decision.

Đọc thêm