Paano kayo pumili ng taga bantay ng baby niyo?
Hello ! Gusto ko sana malaman para sa mga working moms / parents kung sino ang nag alaga sa baby niyo nung back to work na kayo? May experience ba kayo na d kaya mag bantay ng parents or in-laws niyo kaya nag hanap kayo ng kakilala? Pashare naman po. Ang hirap kasi mag tiwala ngayon wala kami mahanap kahit tiyahin both sides wala available panay working 🥲 Napapaisip na tuloy akong mag resign nalang if hangang end ng ML ko wala padin kaso iniisip ko din naman ung asawa ko mapuounta sa kanya lahat 😫😖 need help
I didn't work na, mommy. My husband told me to recover and focus on our baby. Mas gusto niya na ako ang tutok sa anak namin kesa ipagkatiwala sa iba. He provides for us kaya kayod kung kayod talaga. He left his former job para sa higher paying position kaya laban talaga kahit mahirap dahil after 9 yrs sa company nya lumipat sya sa bago so panibagong pakikisama panibagong aral ng trabaho pero dahil para sa amin para kaya nya isustain kami na kahit wala akong work is okay. He gives me allowance every time may sahod sya and he gives me gifts pag may occasion deserve ko daw and more pa daw dapat dahil sa pagod ko maintaining the household and taking care of our kid. Mag 2 yrs old pa lang baby namin sa January. Sabi ko try ko na humanap ng wfh job after birthday ni LO pero I still don't want other people to look after her lalo ang bilis nya pumick up ng kung ano ano.
Đọc thêmin my case, sakto pandemic kasi nung lumabas si baby, umuwi ako sa province namin andun kasi sina mama and papa. Ang nakuha ko 2 sila, tag kalahating araw sila para di msyado pagod magbabantay. Bale ang lolo and lola ang overlooking sa mga bantay kasi wfh ako. Maswerte lang ako na ang nakuha ko may malasakit talaga kay baby. Di man sila kadugo pero kita namin sa bahay na inaasikaso and mahal si baby. Kampante ako work kasi sila nagaalaga talaga habang nka shift ako. Even if minsan nasa manila ako to report sa office, naiiwan ko si baby sakanila. Swertihan din kasi talaga pagkuha sa magaalaga. Goodluck po.
Đọc thêmsalamat mommy!!!
mahirap tlaga yan mamsh. ako nagresign n lng ako. d na ko bmalik sa work after ML. pag usapan nyo po mag asawa. kse kht mag install ka cctv, oo makkita mo pero may mggawa ka ba while may gngwa sa anak mo e nsa work ka?. naisip ko din kht kamag anak mo magbantay, kpag ba nauntog yan ssabihin nla? malamang hindi, kasi magagalit ka, kayo mag asawa at mssbi na pinababayaan anak mo. iba tlaga kpag ikw mismo kse hands on ka. pero nsainyo pdin yan mamsh.
Đọc thêmmay point ka dyan yan dn naiisip namin 🙁 sobrang hirap kaka leave ko palang nmn kaso need talaga mapagplanuhan ano na ggawin after ML.
sa panganay ko nung nag back to work ako nanay ko ang nag aalaga since pareho kami ni husband may work nun.. at totoo hirap ipagkatiwala ng bata sa iba... pwede ka mii mag install ng CCTV sa bahay niyo para ma monitor mo si baby at kung makakakuha ka ng yaya.. sa ngayon eto 2ndbaby ko d ako nag work na ako na mismo nag aalaga kasi ayaw ko din ng iba mag aalaga kay baby
Đọc thêmKelangan mo lng kumuha ng maaga para makilala mo ung taga bantay at maturuan mo sya, tapos kung hnd okay palitan mo at hanap ka ng bago, kung okay naman pgaalaga nya ay mgpalagay ka ng cctv para mamonitor mo kht wla ka sa bahay, bka maalaga lng sya sa bata pg meron ka
mas maganda kung by referral paghahanap mo. atleast kahit papano may nakakakilala na sa makukuha mo