mga mamsh share ko lang yung experience ko kahapon pagbalik ko ng hospital na pinag-anakan ko. i was supposed to have my final dose of anti-tetanus lang sana kaso yung OB ko biglang nagsuggest na i-pap smear na din daw ako. so medyo kinabahan ako kasi di ko alam kung masakit ba yun saka kung mabilis lang ba yung process. pero pumayag na din ako para makasiguro na din na wala akong infections sa cervix. mabilis naman yung pagkuha ng tissue, medyo masakit lang din talaga yung parang clamp na pinasok sa pempem ko pero tolerable naman. after 2 weeks daw malalaman ang result. almost 3mos na mula nung nanganak ako and hindi ko alam na kelangan din pala ng pap smear after manganak. kayo ba mga mamsh naexperience nyo din yun?