SKL ?

Mga mamsh share ko lang sobrang sama na kasi loob ko. Pasensya na kung medyo magulo yung kwento, hindi kasi ako magaling magkwento sa ganito. Nakikitira lang kasi kami ng asawa ko sa bahay nila kasama byenan ko na babae at mga kapatid nya. May dalwang anak kami. Sa umpisa okay naman. Mag se-7 years na kami nandito sa kanila. May balak naman kami kumuha ng sariling bahay pero wala pa lang ipon sa ngayon. Gusto ko kasi sana ay rent to own na kesa magrenta kami ng apartment. Sa umpisa okay naman sila, tinuturing ako na kapamilya, anak, kapatid. Then nakaaway ko ang isa kapatid na babae ng asawa ko, ang bastos kasi ng bibig sobra at napaka imature ng ugali. Hanggang sa ilang buwan na kami hnd nagpapansinan. Then, nang nag asawa ang isang kapatid na lalaki ng mister ko dun ko nalaman na parang pinaplastik na nila (byenan ko at isang hipag) ako. Naging ka close ko yung asawa ng kapatid ni mister ko. Dun naririnig nya na pinag uusapan nila ako which is nakakahalata naman na ako ayoko lang pansinin. Ilang months na din ang lumipas bago ko yun nalaman o nasabi sakin kasi naiinis yung hipag ng asawa ko. Feeling din nya ganun din ang sinsabi sa kanya. Minsan naman nakukwento nya sakin na pinapalo daw ng hipag ko ang bunso kong anak na 5 years old kapag wala ako. At nasusuntok sa mukha dahil malikot daw. Ako, hindi ako makareklamo kasi nakikitira lang kami dito sa knila. Pero ngayon madalas dito lang ako sa kwarto umiiyak. Kasi kahit ano namang pagsusumbong ko sa byenan ko alam ko naman na anak padin nya kakampihan nya kesa sakin diba. Tpos yung isa ko pang hipag na babae na nakaaway ko, binabastos bastos ako kahit yung asawa ko na kapatid nya na pinaka panganay sa knila. Alam nyo yung babastusin ako ng hipag ko tapos isusumbong ko na lang sa byenan ko kesa makipag away pa ko. Yung byenan ko pag nagsumbong ako sympre yung masama ay anak nya, ganito daw kasi anak nya imature daw kulang sa gantong bagay ganyan. Tapos malalaman ko na ang sasabihin ng byenan ko sa anak nya eh ako daw yung nasa loob ang kulo at ako yung masama. Sabagay blood is thicker than water nga naman. Naku. Sorry mga mamsh napahaba ang kwento ko pero sana may naintindihan kayo. Gusto ko lang kasi ilabas yung bigat na nararamdaman ko ngayon. :(

2 Các câu trả lời

Ang hirap ng sitwasyon mo sis kasi matinding pakisamahan talaga ang kailangan pag ganyan. Ang maipapayo ko sayo ay makipagusap ka sa asawa mo tungkol sa bagay na yan. wag mo pong sarilinin. Mas maganda din na bumukod na kayo kasi lumalaki na ang mga bata. Wag mo ng isipin kung rent to own o hindi ang makuha ninyonh apartment ang mahalaga ay makaalis na kayo jan at ease ang pakiramdam mo.

Talk to your husband about it mommy. Magandang may support group ka. :)

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan