Hello mga mamsh, may question lang ako. Normal po ba yung pag-ngasab/ pagsubo ni baby ng kamay niya? Madalas kasi parang gigil siya sa pagsubo tapos naglalaro na rin siya ng laway niya. Madalas din parang naiirita siya pag di niya masubo nang maayos yung kamay niya kaya iiyak siya. Pag pinadede minsan, kahit busog na siya, nagngangasab pa rin po. Di ko na po siya nilalagyan ng mittens simula nung natuto siya mag-ngasab kasi baka ma-deprive naman sa pag-thumb suck. 2 months pa lang po siya. First time mom po ako. Napaparanoid po kasi ako madalas.