5 Các câu trả lời
Ano ang Congenital anomaly scan? Ang Congenital Anomaly Scan o CAS ay ang prenatal screening test na maaring tumukoy kung may abnormalities si baby na nasa loob pa ng sinapupunan. Tinatawag din itong Second Trimester Fetal Development Anomaly Scan o 20-week ultrasound scan. Isinasagawa ito sa pagitan ng 18 to 24weeks ng pagbubuntis. Sa pamamagitan ng congenital anomaly scan ay matutukoy ang sumusunod: Ma-check ang anatomy ni baby Masukat ang kaniyang laki kabilang na ang sukat ng kaniyang ulo, utak, katawan, kamay at mga paa. Ma-check ang kaniyang organs, kamay at paa kung may abnormalities Malaman ang gender ni baby Ma-check ang sukat ng placenta at dami ng amniotic fluid Maipakita ang 3D/4D images ni baby Bagamat karamihan ng pagbubuntis ay healthy, ang CAS ay isang paraan para mas makasigurado sa kondisyon ng sanggol na nasa loob pa ng tiyan. Para sa kung sakaling madetect na may abnormalities sa pagbubuntis o sa paglaki ng baby ay agad na maagapan. O kaya naman ay magawan na ng special arrangement sa panganganak at malaman na ang postnatal treatment na maaring gawin. Ang structural abnormalities sa katawan ng isang sanggol ay maari ring matukoy sa congenital anomaly scan. Ang ilan sa mga abnormalities na maaring matukoy sa pamamagitan nito ay ang sumusunod: Spinal defects Significant clubfeet o kapingkawan ng paa Body wall abnormalities Cleft lip/palate o bingot Major urinary abnormalities Major heart defects Mga palatandaan ng Down Syndrome May mga pagkakataon ding nade-detect ng congenital anomaly scan ang mga abnormalities na dulot ng chromosome disorders gaya ng Edwards’ syndrome at Patau’s syndrome.
Congenital Anomaly Scan, para po siyang ultrasound pero mas thorough. Chinecheck po niya kung normal po ang paglaki ng baby and kung okay po yung mga organs niya.
Gngwa po ang CAS to know if normal c baby or may defect dun po nadedetect
Para po macheck if meron abnormalities si baby
Congenital anomaly scan po. Para po ma make sure na okay si baby in all aspects