Fall out of love

Mga mamsh palabas nang sama nang loob sobrang bigat na kasi. Mag 2 years na kami nang bf ko meron na kaming 5 months old baby. Before nung di pa kami mag kasama sa bahay ok kaming dalawa yung tipong kahit lagi kaming nag aaway naayos pa rin namin kahit sa chat lang nasasabi namin kung ano yung nararamdaman namin sa isat isa. Yung sabik na sabik kaming mayakap yung isat isa. Kahit malayo kami ramdam namin na mahal namin yung isat isa. Pero ngayun nag bago. Akala ko pag nag kasama na kami mas lalo namin maipaparamdam yung love. Akala ko mas magiging ok pag mag kasama na kami. Pero alam nyo yun. Yung hanggang sa una lang pala lahat. Simula nung nag sama kami at nabuntis ako nag karoon nako nang sama nang loob sakanya. Siguro kasi parang iba nung di pa kami nag sasama sa nararamdaman ko ngayun na mag kasama na kami. Lagi nyang dahilan na iba na daw priority namin si baby na daw. And yes alam ko yun sa sobrang tutok namin nawawalan na kami pake sa isat isa. Pero tuwing na rerealize ko yun. Parang wala lang sakanya. Tuwing gusto ko gumawa nang move parang baliwala na lang. I hate this feeling na nararanasan ko lang yung lambing nya pag may nangyayari lang samin . After nun wala na. Ang sakit kasi nag tatanim ako nang sama nang loob sakanya. Na di ko alam kung tama ba sobrang mahal ko sya kaso minsan napapagod ako tanga lang kasi isang yakap lang nawawala lahat tanga nanaman. Wala nakong ibang nakikita na gustong makasama hanggang dulo kung di sya. Pero parang malabo pa haha sakit lang kasi lahat to di ko ma open sakanya. Kaya nang yayari tinutuon ko na lang sa baby namin lahat. Ano ba naman yung kahit batiin ka manlang sa araw nyong dalawa haha, yung kahit isang araw lang maramdaman mo ulit yung excitement between us 💔

4 Các câu trả lời

VIP Member

mommy .. isa lang masasabi ko. kung ngbago ung samahan nyo dahil sa ibang tao hiwalayan mo. kaso kc dahil naman kay baby pala 😊 ok lng yan . .ganun tlaga. kausapin mo rin asawa mo na i balance naman kamo . . kasi need mo rin ng attention nya.

thankyou mamsh tagal na din kasi kaming di nakakapag usap nang matino tungkol saming dalawa

VIP Member

hi sis. ng aadjust pa kayo sa isat-isa. malaki ang adjustment pg nkatira na kayo sa isang bahay. ur trying to learn his way and he’s learning to live with u. so you gotta work on being open and express ur sentiments..

Baka masyado ka kasing nag e expect. Bakit hindi ka mag focus sa love language niya? Baka sa ibang paraan niya pinapakita pero di mo makita kasi hanap mo pa rin ung nakaraan.

Hello momshie. Please talk to your husband, mas mabuti po na mapag uusapan ang mga ganyan bagay. Baka meron din syang dahilan kung bakit. Kaya mo yan, be strong. ❤️

Pareho siguro kayong nag aadjust. Pero dapat po talaga pag usapan. Wala po talagang perfect na magka relasyon. Asawa man o boyfriend/girlfriend, hindi maiiwasan ang away at tampuhan. Kasama po yan sa dapat natin pag daanan para tumibay ang pagsasama. ❤️

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan