Normal po ba
Mga mamsh normal po ba ito? 20days old na po baby ko. Ang alam ko kusa naman ito nawawala..(YUNG SA MAY KILAY) Tama po ba? Except lang sa parang rashes sa noo nya, posible kayang gawa ng sabon ito? ganyan itsura sa pic kasi nilagyan ko ng petroleum jelly kasi sobrang dry nya. - EDITED QUESTION
Try virgin coconut oil momshie super effective ksi all in na sya.. antibacterial, antiviral, antifungal etc. Use only hypoallergenic products like cethaphil, bawal may pabango. Kawawa nman si baby gawan mo na ng paraan.
use this po. effective sya sa cradle caps nahka ganyan baby ko dati yan prescribe ng pedia nya. every after bath ang pag gamit nyan and before bedtime. stop using baby oil po jusko! mainit yan sa skin ni baby.
ask ko na lang din po lotion po sya right? kasi meron din cetaphil pro ad (wash) which im not sure kung pwede sa ulo ni baby.
Ganyan na ganyan baby ko cradle cap po yan pumunta kami sa pedia at binigyan ng sabon oilatum after 1month medyo magaling, kung di pa nka pa check up tubig lang po muna distelled water po.
hindi po mukhang normal mommy pati sa may paligid ng mata ni baby mukhang namamaga due sa rashes nya. better po pacheck up nlang parang dermatitis po makati yan malamang dpo komportable si baby kawawa naman.
Di oo namamaga eyes nya.. Singkit po kasi sya kaya ganyan 😅😅 Nasa manila kasi ako. Kaya mahirap magpacheck. May center pero for vaccine lang. Walang doktor. And mahirap maglalabas ngayon diba. Heheh and oks na po si baby.. Ganyan lang po itsura sa pic kasi nilagyan ko ng petroleum jelly nung time na yan and ngayon oks na po. Kusa natanggal yung nasa may kilay nya and pinalitan ko na sabon nya kaya nawala na rash nya. Thanks po 😅
maglagay ka momsh ng baby oil sa cotton kahit konteng baby oil lang tas pahid mo sa kilay niya wag ung rough na pagkapahid kahit dampi lang everyday mo gawin yan after niya maligo mawawala din po yan😊
Yes po ganun na nga ginawa ko, nawala na din sya. Heheh thanks po
resita ng pedia ng anak ko. ganyan kasi kalala rashes ng baby ko dati. 4 days lang makinis na ulit anak ko. Ps. pero momsh mas maganda kung mapatingnan mo si baby sa pedia o kaya sa derma.
Oks po mamsh salamat :)
kung nawala n yan momsh.. patingin ng picture ni baby na ok na skin niya?? kasi I don't think na mawawala yan agad agad in one day.. you keep on replying and saying na ok na nawala na eh..
I don't think so.. kasi yung first comment sau is just 3 days ago 🙄
Mukhang hindi normal momsh, parang medyonag inflame yung sa may eyebrows ni baby? Mas okay nalang po siguro kapag ipa check up niyo nalang si baby, just to make sure.
possible din na sa sabon nya. pero kapag di parin naalis after some time mas okay na magpacheck up nalang. if hindi kaya ng personal check-up, you can try ang online check-up. I hope your baby is well already.
Naku inay kawawa si baby. Wag mo ipagwalang bahala yan. Buti pa biyenan mo nakikita na meron problem si baby... ipa check up mo na. Better be safe c baby than sorry....
Di ko naman po pinagwawalang bahala. Kaya nga po ako nagpost neto to seek advice na rin po. Namisinterpret po ng lahat yung question ko.. Yung sa may kilay po ang tinatanong ko.. Yung rash sa noo nya fully aware na din ako na posibleng sa sabon na gamit ko sakanya. And kaya po ganyan itsura sa pic kasi nilagyan ko ng petroleum yung kilay nya hanggang sa noo. Chill lang mamsh, walang nanay na gustong mapahamak ang anak. And thanks po sa answer nyo. Appreciate it. 😁
pano kaya naging OA in law mo. ikaw ang nagsasawalang bahala 👎 tignan palang nakakaawa na si baby. tapos sayo feeling mo OA lang in law mo? nanay ka ba talaga?
Im asking for advice po. Not someone na magbblame. Kaya po ako nagpost is to seek help as well. Yung question ko po is about dun sa nasa kilay nya. Nilagyan ko po ng petroleum yan nung time na yan kaya ganyan itsura. And ngayon po natanggal na sya ng kusa. Chill ka lang wala ka pong kaaway. 😊