Magdadala po ba ng formula sa hospital?

Mga mamsh nagdala po ba kayo ng formula milk and feeding bottle sa hospital nung nanganak kayo? Just in case po na wala agad lumabas na breast milk. Edit: mga mamsh di ko na po kayo maisa-isa replyan pero nababasa ko po lahat ng replies nyo, very helpful po talaga. Thank you so much po! Think positive lang po talaga na may lalabas na breastmilk 🙏🏻

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Most of the hospitals now ay strict regarding sa bottle at formula po. breastfeeding kasi ang priority nila.. mas maganda na wag isipin na "wala kang gatas" kasi yun ang mangyayari talaga. positive mindset lang., yan ang isa sa pinakaimportante sabi ng lactation consultant na nagturo sakin nung nanganak ako di talaga ineencourage na magdala ng bottle at formula ang mga manganganak na due to EO 51 o yung milk code unless by assessment ay walang kakayahan ang mother to produce breastmilk due to some kind of sickness/ injury. remember na paglabas ni baby mo, kasing laki lang ng kalamansi ang sikmura nya, at ang milk nya di need na naguumapaw from the breast, minsan ga patak lang is enough, yung pag pinisil mo yung nipple mo meron naman akala mo lang walang milk kasi nasa isip mo ay yung tumutulo talaga.. 3-4days after manganak saka lang yan dadami ng sobra yung tipong masakit na at matigas at tulo ng tulo basta continue ka lang sa pagpapalatch mangyayari yan + positive thinking tuturuan ka ng mga nurses o nung pedia nyo once makalabas na si baby. may mga hospitals na may lactation nurse or consultant pa, kaya bago ka madischarge, kahit paano may knowledge ka na how to do proper & deep latch para mas mastimulate ang breastmilk production. formula milk is good, but still, breastmilk is the best food esp sa newborn

Đọc thêm
2y trước

Ako mind over matter talaga na mag ebf ako kay lo pag labas nya hahaha. how about electric breast pump po? if ever mahirapang lumabas ung milk?

nung nanganak ako mommy dala ko lng pump tapos extra na nipple incase tinago ko sa kalagitnaan ng mga damit kasi bawal bottle dun kaso paglabas ni baby wala talaga akong gatas kahit lagi na sya nakalatch tinry po ivacum kaso wala talaga nakakaawa si LO kasi nagugutom na ayaw pa ila magbigay ng breastmilk kasi daw ipalatch lng eh wala nga nakukuhang gatas to the point umiiyak nko nakiusap na bigya na kami ng breastmilk kahit bayaran na namin makainom lng si baby dun pa sila nagbigay🤦🏼‍♀️ kaya napaisip ako sana pala nagdala ndin ako ng formula at itinago hindi sana nagutom si LO😞 gustohin man natin mag breastfeed agad not all are lucky nman po kasi na may gatas agad kung pipilitin natin kahit wala stress aabutin natin so lalong walang gatas na lalabas. Nagtake na nga ako non ng natalac 1mos prior ng edd ko kaso wala padin 😞 kung may kakilala ka ng may breastmilk mommy hingi ka or bili ka ng stash yun dalhin mo sa hospital papayag nman sila na ipastore mo sa ref nila para lnf may back up ka incase di agad lumabas milk mo atleast breastmilk padin maiinom ni baby

Đọc thêm

dipende kung private or public hosp ka manganganak. kung sa private yes its your choice na magdala ka ng feeding bottle pro kung public a big nono lalo na kapag nkitaan ka ng bottle sa public kukumpiskahin nila. in my case sa public hosp ako nanganak although private ang dr. ko hnd pa rin nila ako pinayagan. Cs kc ako kaya di agad dumating milk ko almost 24hrs ng hnd nakakadede sken baby ko kht pinapalatch ko as in kht anong piga ko sa nipple ko wlang lumalabas kaya na stress ako iniicp ko bka ma dehydrate namn ang baby ko kaya gnawa ko nagpadala ako ng feeding bottle sa asawako patago kaya patago ko rin pinapadede sa bote baby ko 3days kami sa hosp tpos after 5days lang dumating milk ko paano kung diko naicpan ipag pasok ng feeding bottle baby ko edi gutom nmn ang inabot db kwawa lng. hnd nmn kc lht ng nanganganak dumadating agad supply ng milk kht anong gsto natin magpa bf kung wla pang supply wla tlga lalo na kapag cs tlgang di daw agad nalabas yung gatas.

Đọc thêm

Ako magdadala na ako para sure. Ngayon kung ganyan na sila pa ang mas magdedecide para sa ano dpat ipa dede ko, ilalagay ko nlng sa mga ziplock or airtight container. Ibabalot ko maigi sa mga damit hahaha. Tingin ko hindi naman dapat ng pakialaman ng ibang tao kung ano ang desisyon mo as mommy ng anak mo. Breastfeeding or formula feeding parehong okay. Kung wlang gatas na lumalabas, try mo muna uminom din ng mga Natalac or galacto bombs cookies kain ka, pampadami ng milk yan at try mo lng padede kay baby, pag wala, wag ka mag alala dami naman magandang brand ng gatas para sa newborn. Meron lang talagang mga breastfeeding nazis at self righteous. Ganyan yung pedia namin before kaya nainis asawa ko kasi pinagalitan ako na ayaw ko daw magpa bf,.nag assume agad siya na ayaw ko sabay titig na parang hinamak ako.

Đọc thêm

paglabas ng baby mo mi size palang ng calamansi yung tummy nya, kaya 1 tablespoon milk lang ang need nila may lalabas yan mi ganyan din thinking ko nung una unli latch is the key paglabas ni baby kahit masakit tahi ko pinalatch ko sya ng pinalatch hanggang gusto nya nung hapon piniga ko yung nips ko kung may nakukuha ba si baby and ayon may lumabas na milk hindi pa ganon kalakas pero because hindi pa need ni baby ng sobrang daming milk dadami din ya 3to5ays nagpump ako nun nakapuno ako ng 5oz.

Đọc thêm

may bawal may hindi naman depende sa ospital.. nanganak ako wala kme dala ang ending ngalngal to the max si baby kse wala pa naman akong gatas to the point na pinpagalitan ako ng nurses kase padedehin ko daw e kht anong gwin ko wala tlga..every hour ko na sya pinapalatch non na stress ako sa mga nurses..after 4 days malakas na milk ko until now 5 mos ebf kame...

Đọc thêm

Dipende sa hospital.. here in pampanga (private hospital) Bumili ako ng Milk (Enfamil) sa hospital mismo guided by the hospital pedia and midwife.. Naka ready na din mga bottles ko sila pa nag sanitize. Magdala ka ng feeding bottle just in case. Makakbili ka nman ng Milk sa labas. Di lahat may BM agad agad. pano kung wala talaga? we need to consider that.

Đọc thêm

dependi po yan sa dr if mag required sila. like ako kasi sa 2nd baby ko Na.emergency cs ako due to cord coil. while nasa recovery room ako yung anak ko nasa nicu kaya formula milk muna pinainom nila. paglabas ko ng recovery room nakakapunta na ako ng nicu na naka wheelchair kaya napapadede ko na si baby sakin. magsasabi naman ang dr pag kailangan😊

Đọc thêm

bwal po gnyn dn prob ko non what if wla ko gatas kso sb nny ko wg dw mg bote mgpa breastsfeed dw aq pg dting s ospital wla nga aq gatas awa aq s baby ko unli latch ko lng sya pg uwe s bhy ngkagatas aq . if d k nmn mgkgatas pd m p dede s iba doon n me gatas . kso aq d ko pindede baby q s iba for safety

Đọc thêm

bwal po gnyn dn prob ko non what if wla ko gatas kso sb nny ko wg dw mg bote mgpa breastsfeed dw aq pg dting s ospital wla nga aq gatas awa aq s baby ko unli latch ko lng sya pg uwe s bhy ngkagatas aq . if d k nmn mgkgatas pd m p dede s iba doon n me gatas . kso aq d ko pindede baby q s iba for safety

Đọc thêm