Magdadala po ba ng formula sa hospital?

Mga mamsh nagdala po ba kayo ng formula milk and feeding bottle sa hospital nung nanganak kayo? Just in case po na wala agad lumabas na breast milk. Edit: mga mamsh di ko na po kayo maisa-isa replyan pero nababasa ko po lahat ng replies nyo, very helpful po talaga. Thank you so much po! Think positive lang po talaga na may lalabas na breastmilk 🙏🏻

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Hi miiii .. May protocol na sinusunod ang hospitals na bawal ang formulated milk, even sa mga centers mii so, kahit wala kang milk ipapadede mo si baby sayo. Usually wala talagang milk after manganak kasi matagal bago yan lalabas so, mag warm compress ka, sabaw lahat ng ritual gawin mo. Kasi bawal ang formulated milk hehe

Đọc thêm

Most hospitals po bawal ang formula milk, nung nanganak ako wala akong dala miski pump. Basta padede lang ako ng padede kay LO nun kahit di ko alam kung may nadedede ba talaga sya pero nung nagtagal madami dami na sya until now breastfed padin si lo positive mind set lang mi dadami gatas mo.

depende if Breastfeeding advocate ang hospital minsan Pag nasilip nila yung Bag na may feeding bottles /formula milk sa entrance palang pinapaiwan na... Pero makakasigurado po kayo sa hospital na priority magpa breastfeed ang mga nanay sigurado yan na tuturuan nila kayo ng Tamang latch ni baby..

Hindi po inaallow ng Hospitals ang formula milk. Breastfeeding po ang pinupush nila sa lahat nng mommies na nanganganak. If wala ka pa gatas, they will just push you to still breastfeed your baby. Pag wala talaga, sa ibang nanay mo papadede talaga anak mo.

depende.. skin nung nanganak aq wlang lumabas na gatas ko kya mismong sa hospital n din ngsbi na nid bumili ng formula milk, kesa nman magutom anak ko.. after 3days pa nun nung ngkagatas ako.

bawal po, ate ko numg nanganak sa public hospital bawal ang formula. pumuslit lang yunh mother ko mqkapag pasok ng formula kasi umiiyak na si baby ni ate. pero patago lang pagpapadede

Sa private hospital po ako nanganak.. and they don’t allow na magsama ang mother ang LO until discharge. Kaya formula talaga. Sila ang magsasabi ng bibilhing gatas sa billing.

hello, bawal po sa hospital ang formula milk. Kung walang lumalabas na milk sayo mamsh try mo humingi sa milk bank nila dun meron mga nanay na nagdodonate ng breastmilk.

Mamsh lagi mong tatandaan, ipalatch mo lang kay baby ang dede mo, kung ano po lalabas sayo sasapat na yun kay baby, kusa din lalakas gatas mo.

no po mommy. bawal po magdala ng formula milk sa mga hospital. very strict po sila na breastmilk lang talaga ang dapat ipadede sa mga newborn