Nag iinjectable pero nabuntis meron po ba dito?
Hello mga mamsh nag iinjectable ako since 2018, every 3 months ako nagpapa inject. So we are not expecting talaga. Not until last month, July. Habang nakahiga ako, bakit kako parang may natibok sa puson ko. Nagduda ako. So nag PT lola nyo. Positive agad. Sobrang gulat kami mag asawa. Kasi nag PT nadin ako nung MAY since nagsusuka nako nun, negative po ang lumabas. Kaya akala ko may iba kong illness. Sige lang ako sa pagbabike at badminton kasi plus size po ako, macoconfuse ka talaga kung taba lang o buntis na pala.. Then found out nung July na 5months pregnant na pala ako. Naiyak ako actually kasi kaka 2 years old lang ng baby ko nung MAY tapos pang apat na pregnancy ko na to. Nag birth control naman ako pero binigay pa din talaga. Nagkaroon ng paninisi sa midwife, sa injection or sa sarili ko mismo kung sino ba may fault. Pero sabi nga nila nandyan na yan so tanggapin nalang kasi blessing yan.. Nakakapangsisi lang din na hindi ko nalaman agad hindi ko tuloy naalagaan sarili ko. Kaya last month lang ako nag start mag vitamins. Anyone here na same situation ko? nagkakaroon tuloy ng inaccuracy sa due date ko kasi diko alam ang LMP ko. Tuwing may injection ako hindi po talaga ako nagmemens mga mamsh. December pa LMP ko pero sa ultrasound ang baby ko 5months palang.. Good thing is I'm expecting a baby boy, bale may 2 girls nako and 1 boy.. may playmate na si Kuya hehehe.
WFH, mom of 2 boys and 2 girls