ADVISE

Hi mga mamsh. Meron sana ako gustong eshare and need ko talaga ng advise. Please. Ganito kasi yan. Meron akong bf si Karl for almost 5 years na sana kaso hiniwalayan ko kasi nga naghanap ako sa iba ng mga pagkukulang nya like hindi nya ako mabigyan ng anak. After nung breakup namin, nakilala ko si Macky. Naging kami kaagad at may nangyari samin. After one month, nalaman kong nabuntis nya ako. Bale, both kami nag-aaral pa talaga. Okay naman si Macky kaso puno ako ng insecurities sa sarili ko kasi ang gaganda ng ex nya tapos sobrang yaman ng fam nya. May nakapagsabi din sa akin na matapobre yung mom nya. Sobrang stressed ako that time kakaisip. Until narealized ko na mas love ko pa din pala si Karl kaya bumalik ako sa kanya at tinanggap nya ako pati si baby ko ? Iniwan ko talaga bigla si Macky tapos nangungulit sya saan na daw ako hanggang sinabihan sya ni mama na andun na ako ulit kay Karl. Galit sya pero sabi nya kung eto daw gusto ko mangyari wala na daw sya magagawa. Ngayon live in na kami ni Karl at gusto nya pagkalabas ni baby sa kanya dapat nakaapelyedo. Sobrang love nya kami ni baby ?? Wala na akong balita kay Macky ngayon. Pero natatakot ako baka isang araw kunin nya sa akin si baby. Matalinong wais si Macky at mayaman. Madaming connections. Last convo nila ni mama medyo nagbanta sya na magpapatulong sya sa tito nyang attorney. Si Macky pala meron ng unang anak sa ex nya. Hindi sa kanya nakaapelyedo tho kilala sya ng bata as a father. Mga mamsh, okay lang ba na angkinin nalang ni Karl yung baby ko? Kasi sa parents ko sobrang payag sila kay Karl. Help. Nabobother lang talaga ako kung tama itong decision ko.

2 Các câu trả lời

Kung yung Karl yung pipirma sa birth certificate ng baby mo siya ang kikilalanin ng batas as the legal father of the child. Unless, pagkapanganak ng baby eh mag-habol sila Macky at ipa-DNA yung baby niyo. But anyway, sa’yo pa din mapupunta yang bata kasi ikaw yung mother. Naguguluhan lang ako sa story mo kasi gusto mo na magka baby nung una tapos nung na buntis ka na nag worry ka kasi parehas pa kayong students? Tapos you’re very indecisive kasi iniwan mo yung Karl tapos nagpabuntis ka sa iba tapos babalik ka ulit dun kay Karl? No offense, mommy ah pero kasi parang ang selfish naman ng actions mo. Hindi mo inisip yung baby na paano kung ganon nasanay dun sa Karl tapos eventually mag habol yung Macky pag laki niya? Paano na yun? Paano mo i-eexplain sa bata yun? Mag sisinungaling ka? That’s not how families work. Hopefully, mas maging thorough na kayo from now on in making your decisions. Dapat priority ang bata hindi ang mag bebenefit lang sa inyo.

Yun din iniisip ko kasi kawawa si baby paglaki nya kaya nga pinag-iisipan ko ng mabuti magiging desisyon ko ngayon kasi nagkamali na ako dati. Ayaw ko sya ang magsuffer. Salamat ng maramiii sa payo 😊

VIP Member

Kung willing si Macky na iapelyido yung bata sa kanya, why not ? Lalo na kung siya talaga ang tunay na ama ? Hindi o pwede ipagkait ang karapatan na dapat meron siya sis dahil lang sa takot mo sa pamilya niya at pagmamahal mo kay Karl. Iba ng usapan pag dating sa bata. Payo ko sayo sis para iwas stress din, pag isipan mo kung ano ba talaga ang tama. Pwede mo naman kausapin ng maayos si ex. Pwede niyo naman pag usapan yung problema. Kahit pag balikbaliktarin mo ang mundo anak pa din niya yan. Godbless sis 😇 seek ka lang ng help kay God kapag di mo na alam gagawin mo.

Humihingi na nga ako ng guidance kay Lord kasi nagkamali na ako ayaw ko na si baby magsuffer in the future. Salamat mamsh. 😊

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan