Kakaloka talaga!

Hi mga mamsh! Mag rant lang ako, tungkol sa side ng husband ko. C byenan kasi, nandito siya nakatira pansamantala samin at manganganak ako at nid ko kasama at weekly uwian c husband. For long story short na agad mga mamsh! Feeling ko ako or kami Ang nakikitira at Nakikisama sa byenan ko na babae paano bihira na nga lang makasama c husband nauubliga kami maaga na gumising para sa byenan ko dahil nga buntis ako at malapit na manganak may dahilan naman kaso diko gusto ung ganun parang Wala kaming kalayaan mag asawa sa Sarili naming pamamahay kami pa makikisama. At Isa pa, naloloka ako Kay byenan kasi halos araw araw Laba ng Laba ng damit niya nakakaubos ng powder imbes na magtipid sana siya at c husband lang Kasi Ang may work as of now dahil kareresign ko lang 1 month ago dahil manganganak ako. Mag jowa palang kami ni husband alam ko naman manunugal na ung nanay niya Lalo ngaun halos araw araw nagtataya sa jueteng! Imbes na ipunin ung Pera inuubos niya sa jueteng. Lalo ngaun na araw, Wala na daw siyang panaya hihintayin niya anak niya (husband) at pauwi nga ngaun hihingi ng panaya niya sa jueteng! Kaso, kinukinsinti din Kasi niya hays! Diko mapagsabihan dahil baka marinig ako ni byenan mag away away pa. Naloloka talaga ako, kasi imbes na tulungan nila c husband dagdag pa sila marami din kasi pinagkakagastusan c husband nagbabayad siya ng loan niya dahil nagpagawa kami at nanguha ng Bahay + expenses+ may pinaaral siya na Kapatid na college + kargo pa niya ung Kapatid niya na maagang nag buntis! Nakaka stress! Diko na talaga alam gagawin ko! Ako nalang nag adjust at Nakikisama dahil kelangan. Ok naman kami ni byenan, laking tulong naman niya Dito sakin Lalo Wala ako kasama dito sa Bahay. Ang ayoko lang ung mga galawan niya na Hindi nakakabuti mahilig pa magmura as expression kaso Hindi gusto ng Tenga ko Lalo na buntis ako marinig pa ng anak ko ung mga ganun. Diko sure, kung totoo un. Konting tiis nalang din ako malapit nako manganak at ilang months nalang din siya uuwi na din siya sa probinsya at intindihin niya ung anak niya na buntis at Bata pa. Ayoko mastress, kaso sa Ganyan na nakikita ko naiinis ako. Hinahabaan ko nalang pasensya ko.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Aw sis, nakakaintindi ako ng frustration mo talaga, lalo na ngayon na pregnant ka at dapat ka ring pinapanatiling stress-free, hindi pa stressed ng family dynamics! Ang thing is, hindi mo kailangan mag-adjust ng ganito kalaki sa sariling bahay mo, especially since you and hubby are the ones building the future here (literally, may bagong baby pa!). I get that your MIL is helping, pero may difference between helping and taking over, at ang laundry budget plus jueteng situation, yan talaga money management issue ng husband mo to address, hindi mo yan dapat i-carry. One of my mum friends had something similar and napag-usapan nila ng hubby nang malinaw (away from MIL) kung paano ba dapat babayaran ng parents ang share nila if nakatira sa bahay, kundi pwede ring set date na umalis na lang, straightforward pero respectful. Ganyan kailangan dito, hindi ikaw ang mag-adjust forever sa discomfort mo. The cursing thing especially, totally valid na hindi mo gusto marinig ng baby mo, seryoso yan, you can set that boundary gently pero firmly. Focus muna sa pregnancy mo at mag-rest ng okay, mamsh, ilang months na lang talaga, at after baby, priorities mo yan at hubby mo lang dapat mag-matter. Tiwala lang, kayang-kaya mo to!

Đọc thêm