FB account

Hello mga mamsh kmusta kayo ng partner nyo? Kasal or live in lang? Ako lang ba ung hanggang ngayon ayaw ipaalam ang account ng FB nya need nya daw ng privacy. Tapos magpost lang ako tapos nag rreact sya na iunfriend ko mga pumupuso sa post ko sabi ko naman sakanya maging open na kasi kami dahil wala naman ako tinatago kahit ni profile pic or post na magkasama kami wala nung una ganun sya tapos ung mga post nya na yun ay in 'only me'nya nalang.. Mga mamsh sa tingin nyo may tinatago ba sya? Or respetuhin ko na bigyan ko sya ng privacy sa fb nya. May tiwala naman ako kaso nakakapraning na pati pag type nya ng password sa fb nya tinatakpan nya pa ???

100 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mag livein lang po kami. Pag tinatanong ko sya kung papakasalan nya ba ako e naiinis sya dahil uunahin nya muna daw ang binubuntis ko.. Naitanong ko lang po kasi dati sya pa po nag aalok sakin ngayon ayaw na nya na tinatanong ko sya.. Na sstress ako at nalulungkot 😢😢😢

D namin alam fw pw sa bawat isa pero nagpapalit kmi ng phone minsan kaya if gusto nya mag open s messenger ko nkikita nya d nman un nakalog out. Same din sa phone nya. Nag tag lang ako ng picture ng anak nmin or minsan family pic lalo pag my occasion pero subrang bihira lang.

since naging mag kasintahan kami ng asawa ko na ngayon, kasal na kami alam ko fb password nya sa fb, alam ko din passwors nya sa phone nya, sya mismo nagbigay sa akin, pinapabasa nya pa sa akin mga message sa messenger nya at txt, ayaw nya lang ako maghinala,..

Nakalimutan ko na password nya pero nakaopen account nya sa laptop. Pwede kong buksan lahat ng accounts nya kahit gmail. Okay lang sa kanya. Ako naman di ko binigay password ko pero open account ko sa cp. Ginagamit nya account ko sa panunuod ng mga videos 😁

May tinatago yan sis. Nung nagsisimula kame ng bf ko ganyan sya e, wala daw pakialaman ng cp, walang bigayan ng pw for privacy, hindi nagppost ng kahit ano about samen. Yun pala kaya ganon madami kachat na babae, meron pang mga picture ng ex nya sa fb nya.

kasal ako sa lalakeng hindi alam ang magpahalaga ng taong nagmamahal sa knya... blinock ko na cia sa fb,and mukha lang nman ok sa knya.. nagkaroon ako ng trust issue sa kanya!! and so far, unti unti ko na lang natutunan maging manhid pag dating sa kanya..

Sa totoo lang di naman na dapat big deal to kapag wala namang tinatago eh? Importante na may privacy yes, pero kung nakikita mo nang nawawalan ng peace of mind yung partner mo dahil lang sa di mo pagbibigay ng soc med pw, then you have to reconsider.

Almost 11yrs na kami together pero hindi ko pinapakialaman ung mga social media account nya, hindi nga kami friend sa facebook at hindi ko din alam ang password nya. Wala kaming tinatago pero i think kailangan din kc ng privacy ng isat isa.

Alam mo mamsh kapag ganyan galawan may tinatago yan eh. Yung pagtakip plng ng password nya habng tinatype nya sobrang nakakabothered na un eh. Kung wla nmn syang pake at wlng tinatago saiyo hndi nmn sya mababother kahit malaman mo o hndi pass. Nya.

Kame, simula nung magkasintahan pa kame tas gang sa ikasal na kame, sya mismo ang nagbigay ng password nya saken, kahit binigay nya na saken minsan ko lang iopen. Sa sitwasyon mo namn parang ang hirap na tinatakpan pa ang pagtype ng password nya.