100 Các câu trả lời
Healthy din sa isang relasyon na may privacy kau sa social media. Di pa kmi kasa ng partner ko pero may isa na kming anak, 1yr old. 2 or 3 yrs mgpapakasal kmi. Di nmin alam pw ng mga fb nmin. Sinabihan ko lng xa na, " matanda ka na, alam mo na ang tama at mali, at kung ano ang makakabuti at makakasama satin. Sayong sayo fb mo, pero oras na may malaman ako na di maganda, di ako mgdadalawang isip umalis kmu ng anak mo." Kasi momsh, kung gusto tlga mgloko ng partners niyo, khit alam niyo pa pw ng isat isa, gagawa at gagawa ng paraan yan. Hehe
Ganyan ako dati sa partner ko ang laki ng tiwala ko di xa magloloko mahigit dalawang taon kong di hiningi password nya kc nirespito ko privacy nya At malaki tiwala ko sa kanya one time nag log in xa sa cellphone at naka automatic smart lock kc yong phone ko kong baga pag nag open ka ng fb nag sasave yong information ng account kahit i log out mo pa.. Nung time na ako na gumamit nag pop up yong suggestion ng smart notification sa diko kilalang email address sinubukan ko buksan at yon nahuli ko mga kalokohan nya tang ina!!
Mamsh grabe un talaga naiisip ko! Alammo un baka pag magkasama kami e tinatago nya pag papasok na sya sa work e dun sya makikipag chat. Call center agent sya mamsh maraming tukso sbi nila 😥😥😥
Kasal kami, pero nung mag bf/gf pa lang kami, iisa nalang account namin. Walang fb pero active ang messenger namin, para lang connected both sides at wala naman problema so far. 7 years na kami ni hubby. Di rin kasi naman namin ginagamit talaga ang messenger, more on Skype at IMO kami ni hubby kasi ofw siya. Sa maniwala ka at sa hindi sender, profile picture lang ang meron sa timeline namin ni hubby at featured photos ng mga travel namin. It worked naman sa amin at until now wala kaming problema sa password2 na yan.
Ofw pala mommy, pano ka nakasiguradong wala syang secret FB account tapos iba lang pala ang pangalan nya dun? 😊
Kasal kami and open book lahat sakin ng passwords nya. From phone to email to socmed. Cya ung kusang nagbigay. Siya din ang nagsabi na kapag magasawa na di na dapat nagdedemand ng privacy. Pero ung accounts ko never nya pinakialaman. Pareho kaming inactive sa fb. Puro messenger lang kami. And I agree sa mga nagsasabi na kahit anong bantay mo or kahit gaano ka kaperfect kapag magloloko eh magloloko talaga. Pagpray na lang natin palagi. As for your partner, malinaw pa sa sikat ng araw na may tinatago yan
Nako mamsh. Mas malinaw pa nga s sikat ng araw ngaung oras mismo nag away kami sabi ko iunfriend nya ung nag cocomment lagi na beshy daw tawagan nila. Kaso unfair e inaway nya ako nkaraan dahil may pumupuso sa post ko at pinaunfriend lahat para sakit sinunod ko dahil para wala ng away pero grabe skanya ang reaction nya kanina galit at minura pko bkit daw pinakikielaman ko sya at ng beshy nya
Di kami kasal pero kusa nyang binigay sa akin ang password nya kahit anong social media accounts nya. Kahit sa phone nya, messages and call history. Pero never nya hiningi ang password ko but still binigay ko din sa kanya, pero never nya binuksan 😂. Wala naman daw kasi syang dapat itago at mas ok dw may access ako. Walang privacy kasi matagal na namin na-invade ang privacy ng isat isa 😂. Lalo na kung nandon ang willingness to tell or to inform everything in the most honest ways sa isat isa.
Samin ng partner ko, di ko na inalam account niya. Well, I have a lot of issue sakaniya. Sinungalingan at manloloko. Lahat na nga ata ng pwedeng problemahin sa lalaki asa kanya na. Wala na akong pakialam doon (sakaniya), hinahayaan ko na lang siya. It started nung nanganak ako, ayoko ng stressin at dagdagan pa ng problema sarili ko. Ayoko na din ng sakit sa ulo, ako lang din naman kasi masasaktan at mahihirapan at the end. Kaya bahala na siya basta ang importante nagbibigay siya.
practical
gusto ko sabihing nagwowork sa aming mag asawa yung walang pakialaman ng account pero sa totoo lang pag may chance ako chinecheck ko fb account nya.. Thankfully wala naman akong nakikitang hindi maganda.. before kasi gusto ko malaman password nya pero naisip ko hindi sya comfortable na may access ako at pinapagmulan lang ng arguement kaya hindi ko na pinilit..im not really saying na maganda yung ginagawa ko kasi it’s against his privacy pa rin pero that’s how I do it..
Kasal kami Yung hubby ko Hindi nya in I ask Yung password ko sa fb mayroon nga time kusang binigay nya sa akin sa fb Alam ko Naman Hindi nya hihingiin dahil he trust me and I trust him too.wala talaga akung masabi Ang bait mas gusto nga nya pino post ko Yung mga picture namin together Alam mo pag ganyan ayaw nya ibigay password may tinatago talaga siya Yung ex kunga noon Hindi kami friends said fb ayaw nyang ishare Yung relationship status nalaman ko nlang Ang daming babae
Alm mo sis d mag tatago ganyan asawa mo kung wla ngang tinatago den mad asawa or live in man kau dapt open na kau sa isat isa...bka nmn kc my tinatago c hubby mo? Skin sis share ko lng live in lng kmi pero fb account nga nya lahat hawak ko sbi nga nya skin mag taka ako pag d nya binigay account nya...sbi ko nga possible na pde sya gumawa ng ibang account pero wla nmn sis kc pina pachrck nya pa phone nya skin...my tinatago yan sis kaya ganyan.
Ako hnd ko alam password na asawa ko sa fb or kht anong account pero nabubuksan ko cp nya kaya na a-access ko padin lahat. Wala naman sya comment. Pare kami techy mas mabusisi nga lng at may pagkadetective ako kaya kht na-access ko fb nya at may tinatago sya or denedelete nalalaman ko pa din, wala syang lusot. Alam ko din kapag may iniaadd sya na wala sa acitivity logs nya. Minsan maganda maaalam sa pasikot sikot through searching lng sa google.
to ms. anonymous, meron tntgo yan pg ganyan. Nung mag bf-gf plng kme di kme nagpapaalaman ng pw ng cp. ngaun mag asawa na wla nang taguan dpat.
Anonymous