Nanghingi ng number ang asawa ko

Mga mamsh gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. Kanina lang binuksan ko messenger ng asawa ko may nakita ko kachat siya babae di ko alam kung sino yun magkakilala ata sila. inadd siya nung girl then nagkachat sila, kamustahan, ganern, ang nabasa ko dun diko nagustuhan sabi ng girl wala pa siya asawa, sabi naman ng asawa ko "baka inaantay mo ko, sa ganda mong yan" tapos nabasa ko pa hiningi ng asawa ko number nung girl sabay bura ng asawa ko ang convo nila. bakit kailangan niya hingiin ang number nung girl tapos binura pa niya convo nila. hindi ko na sinabi sa asawa ko na nabasa ko convo nila. hindi ko siya pinapansin, pinaparamdam ko lang na galit ako. ano kaya maganda gawin sa asawa ko! bwisit siya!

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung ako yan kinompronta ko right away, dapat nga iniscreeshots mopa para may ebidensya ka, mahirap lang ang nananahimik sa mga ganyang pangyayari dahil baka alam ng asawa mo ok lang kasi parang natotolerate eh. Kung ako yan sabihin mo, nasa sayo nalang kung ano ikakatwiran o idadahilan o palusot nia. Basta wag na wag kanh basta manahimik lang, kasi siguradong may mas worst pang kapupuntahan nian, ikaw rin kung gusto mo pa humantong don.q

Đọc thêm