55 Các câu trả lời
Marami nagsasabi ng ganyan mommy. Pero totoo yang sinabi mo, sulitin mo lang po. Hindi naman iiyak yan dahil trip lang nila. Kung di sila gutom, naghahanap yan sila ng comfort. Ako nasanay ko anak ko sa karga. Nakakainis din minsan lalo na pag pagod ka.. pero pag lumaki laki naman na sila like my daughter ngayon 8 months old na sya, solve na sya pag niyakap mo lang sya. Example pag nakaupo ako sa kama, patatayuin ko lang sya para same level kami. Solve na sya sa ganun di na need ng karga kasi sya herself nakatayo naman na. Wala ako pake sa mga sinasabi ng matatanda sa paligid ko hahaha ang sakin lang iba iba man tayo ng pagaalaga sa anak, pare pareho naman tayong lahat na ang gusto e ung best para sa mga anak natin. Sabi rin nila the more na attentive ka pag alam mong kailangan ka ng baby mo, mas maganda magiging development nila.
Wag po kayo maniwala sa sinasabi nila na ikaw din mahihirapan momsh. Since karga mo si baby mo ng 9months sa sinapupunan, hindi pa siya sanay sa outside world kaya hinahanap hanap nila ang yakap yakap ng isang ina, lalo pag umiiyak iyak, yung body warmth ng isang ina ang hahanap hanapin ni baby, in a way mafi-feel nya na safe, comfortable and secured sya in your arms kesa sa iniiwan-iwan sya. Tama ka dn momsh, minsan lang sila maging babies, just give all the love he/she deserves thru hugs and cuddles. Bakit hndi. Diba 😉
nakuuuu yan madalas na problema ng 1st time tapos madaming matanda ang nagsasabi ng ganyan.. kakaloka, hnd po nakakasanay ang karga, darating at darating sa point na ayaw na nyan magpakarga ng anak mo.. anak ko nga sa loob ng 3mos madalas kong karga kc hnd pa naman ako na balik sa work pero nung buwan na nag marunong ng gumapang at mag aakyak, umiiyak na kapag karga at gusto lagi nasa lapag.. kaya momsh hnd yan totoo.. ng bumalik din naman ako ng work nailalapah din naman..
Kargahin lang po ng kargahin mommy 😊 Ang mga babies, especially during first few months pagkapanganak, is sanay na enclosed at masikip space nila because of the time spent inside the womb. Nararattle agad sila pag may loud noise and parang nagugulat lagi na kala mo malalaglag. Kaya they love swaddles, skin-to-skin touch and nafifeel yung warmth and heartbeat natin. Go lang sa karga mommy especially if yun ang instinct mo, follow agad 💓 Enjoy the moment!
1 month and 2 weeks na si baby ko. Lagi ko din siya kinakarga agad pag umiiyak kahit sinasabihan nila ko na hayaan ko umiyak. Pinapagalitan ko din asawa ko pag di niya agad kinakarga pag umiiyak kasi iniisip ko kasi na kaya siya naiyak kasi need nya ng warmth to feel secure and loved. Sabi nga nila di habang buhay baby yan. Kaya hanggat baby pa eh talagang gusto ko lagi ko sya hawak. Pero nasayo yan mommy kung paano mo gusto palakihin si baby mo. 😊
Sakin nasanay na ang baby ko sa karga 27 days plng sya now, pag nilagay ko plng sa higaan nya ilang minuto lng iyak agad. Pag binuhat akala ko magdede sya yun pala gusto nya lng ng comfort ko kasi kahit anong galaw ko ayaw nya gumising, yan tuloy buhat ko sya nakahiga sya sa dibdib.. kahit antok naku wlang masyadong tulog sa madaling araw,, nilalagyan ko lng nang unan ng nakapalibot sa amin para incase na makatulog ako hndi sya malaglag.
Ganyan din sabi sakin ng mga tao sa paligid dahil gusto ko lagi kong karga yong baby kahit tulog na.. Sabi ko naman kung mahihirapan man ako sa pagkarga eh ako naman mahihirapan hindi naman sila. Gusto ko naman sila laging kargahin.. Kargahin mo ng kargahin. Kapag gusto magpakarga sige lang. Hindi habang buhay baby sila na gustong magpakarga. Darating ang araw lalaki sila gusto mo sila kargahin tas ayaw na nila magpakarga.
ayun din sabi saken ng husband at mother q wag daw buhat buhatin kc masasanay daw sa karga. sabi q sakanila ok lang minsan lang cla maging baby at bata. mas mahaba ung panahon na matanda na cla kaysa sa baby. kaya aun konting iyak karga agad. hahha pero ndi din kc sya iyakin panay tulog kaya ndi din aq nahirapan. hanggang ngaun 9months na sya pag hahawakn namin para alalayan ayaw magpahawak samen gus2 sya ung hahawak samen hahha.
Ganyan din po palagi sinasabi sakin ng nanay ko. Wag daw sanayin kargahin pero diko sinusunod pag umiyak na eh binubuhat ko agad. Diko siya hinahayaang umiyak ng umiyak. Nararamdaman ko kasi yung feeling na kailangan ni baby ng yakap ko. Hinahayaan ko lang siya pag naglalaro. Nageenjoy kalaro yung mga nakasabit sabit na mga bagay. Di din ako mapakali pag hindi ako yung nagbubuhat sa kanya.
Sa baby ko lagi ko syang buhat hanggang sa ngayong 9months na sya. Namimiss ko yung maliit pa sya na di pa masyado nagalaw kasi ngayon dadamputin ko lang sya pumapalag na, mas gusto nya na maglikot kesa karga. Nagpapakarga lang sya pag inaantok na. Di pa nakakalakad anak ko pero ganto na nararamdaman ko, ano na lang pag kaya nya na tumakbo. Enjoyin mo lang mamsh, mamimiss mo din yan.