No sign of labor :(

Hello mga mamsh! Ask ko lang kung sino po nakaexperience ng tulad ko na 39 weeks and 5 days na pero wala pa din any sign ng labor. :( May ilang pagsakit po ako ng puson na nararamdaman, pero di naman po nagtutuloy, so false labor po yun noh. Madami naman na po ako ginagawa everyday like squats, zumba, walking, akyat-baba hagdan, linis bahay, kain pineapple, maanghang, and nag cocontact din po kami ni hubby. Di rin po ako tumitigil na kausapin sa baby at magdasal. Ano pa po ba ang kailangan kong gawin mga mamsh? Iniiwasan ko po mag worry pero ang hirap kasi high risk pregnancy din po ako dahil na-diagnosed ako with gestational diabetes, pero controlled naman na po blood sugar ko now through diet and exercise. Inischedule na po ako ni OB for induced labor sa due date ko which is June 13. Ayaw ko po sana ma-induce kasi madami ako nababasa na mas masakit daw po yun. Pero syempre mas gusto ko din po sana mag labor sa natural na paraan. Pasensya na po napahaba. First time mom here po. Thanks in advance po sa mga magreresponse, mga mamsh!

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Induced labor din po ako. 30hours labor. kaya nyo yan! goodluck po.. Ftm po ba?

5y trước

ang iniisip ko lng that time mattpos din to at makikita ko na si baby. 💪kaya mo po yan.. 2cm n ko nun bgo ako ininduced kasi overdue n. 40 weeks and 3days..