hello, momshie.
anong pills po ang intake mo?
pang ilang araw na po ikaw nag ttake ng pills?
may 2 kinds of pills po tayo.
POP (Progestin-only Pills)
COC (Combination Oral Contraceptive).
Yung POP like daphne po, is intended po sa mga nagpapa breast feed po. ang side effect po nyan is hindi ka dadatnan or mag mmens po.
Yung COC po, like althea, lady, may halo po yang estrogen. Hindi po sya pwede inumin ng nag bbreast feed po kasi mag sstop po ang supply ng milk. side effect, dadatnan ka po nyan.
Kung kakastart mo palang ng POP, pwede may discharge pa hanggang sa mawala na ang discharge mo. Kasi nag aadjust pp ang katawan nyan.
hope this helps you po.
Anonymous