32 Các câu trả lời
Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? 🍼 Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. 🍼 Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. 🍼 HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang mature milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. 🍼 Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin 😂 Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? 🍼 After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build your milk stash, you can start pumping ng mas maaga. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! 😏💪🏻 🍼 Pwede kang magtake ng mga lactation aids or supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. 🍼 MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. Always remember these: REMOVE MILK TO MAKE MORE MILK. MORE DEMAND, MORE SUPPLY. NURSE FREQUENTLY. PUMP REGULARLY. ♥️ #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH CTTO
Noong una wala din po ako breastmilk. 2-3 days na po ako nagkaroon ng milk after manganak. Inom po kayo ng malunggay capsules. Mag-ulam kayo ng may sabaw maganda lagyan din ng malunggay leaves. Inom po kayo maraming tubig at unli latch lang po si baby sa inyo. Dadami at dadami po yang milk supply niyo.
halaan po papakuluan sa luya at malunggay or nativecna manok papakuluan din po sa luya wlang asin. tuwing morning kaen ka po oatmeal or malunggay tea
ako nga po hndi po tumutulo ung gatas ko pero hndi ko po in-stop pinapadede ko pdib po si baby may milk naman po sya di lang po talaga sya sumisirit hehe
milo or hot choco, masabaw na ulam with malunggay. pati malunggay powder dati hinahalo ko sa pagkain effective naman for me. palage drink ng water
Sea shells w/ malunggay na may sabaw, Milo 2x a day, Seaweeds soup nabibili sa korean store, Mega Malunggay Capsule and drink a lot of water..
Dpat msabaw lagi ulam mo at my halo malunggay,wag kmain ng maasim nkkapatigil ng daloy ng gatas ng ina yan,3 n baby q lahat cla breastfeeding,
Malungggay po, Binoboil ko ung dahon then add milo.... I also tried Lactation cookies and now I'm drinking mother nurture choco drink..
Masasabaw na pagkain, malunggay, milk, milo, oatmeal. May mga supplements din to help boost your milk supply.
Malunggay, and mga masasabaw. Then take ka din natalac every after meal tpos unli latch.
Jonnelyn Pinuela