18 Các câu trả lời
Ang swerte nyo naman mamsh, ganyan din ako sa first baby ko parang normal lang ako wala paglilihi at di nahihilo hanggang sa manganak. Ayaw ko nga maniwala nun kung buntis ba talaga ako kahit 4months preggy nako kasi parang wala lang tapos maliit pa tyan ko. Pero kabaligtaran ngayon sa 2nd pregnancy ko, halos dina maka kain at panay suka nalang😭 Ang dami rin hinahanap na food, pero fighting lang mga mamsh na naglilihi, sulit naman paglilihi natin pag nakita na natin ang baby😍
ako po 6 months preggy na never nagsuka never nahilo never inaantok di rin naglilihi as in normal lang po. kaya nagpapasalamat nalang ako kay God di ako pinapahirapan sa pagbubuntis ko.
Same po sis haha kaya po pag tinatanong ako kung ano pinaglilihian ko sinasabi ko na lang po na kung ano ano lang 😂
Ako din hindi nakaramdam ng pag lilihi kaya na enjoy ko ang pregnancy ko. Sana sa panganganak makisama ulit si baby. Hehe
I'm almost 4 months na din sis and wala din akon intense cravings kagaya sa iba. Minsan may gusto ako pero pag wala ok lg din.
Tama sis ganyan na ganyan ako.
ako po hihihi lahat kinakain ko po wala akong pinaglilihian.. sabi nila kung di ikaw baka yung mister nio po
me too hindi ako nglihi worried din ako nung una. pero mommy ko di din daw nglihi ng sobra 😊
likewise 😊 sabi nga ng mother ko nakakatuwa daw ako magbuntis di manlang mya ko nakita nagsuka
Kya nga mga mamsh..super wla tlga aqng pinaghahanap na Kung anong pagkain well dn nmn naghahanap.
baka late paglilihi mo sis. ganon din kasi sa friend ko sis around 6mos. sya nagstart maglihi
Rhea Agpalo