46 Các câu trả lời
kawaw naman si baby mi😥hapdi po niyan..try tiny buds mi in a rash, super effective yun or check up muna..dapat mi katapos niyo pong mgpa dede papahiran niyo po ng unsecented wipes or cotton na may warm water,.at kung may pawis punasan niyo po..yung dampi2z lang mi..mahapdi yan mi😥samin mainit din mi tas pawisin pa, pero di nagka ganyan si baby..kasi lagi ko pong pinupunusan kada laway niya at dede ,at punas agad ng pawis niya..tatakot kasi ako.kaganyan si baby.. check up niyo na po mi..
try nyo po fissan ung pang pricky heat effective po sa bagets ko. alternate ko sila gamitin ng calmoseptine. minsan kasi antagal maalis ng calmoseptine sa leeg or sa singit ng baby eh. malamig pa un sa balat. awa ng Diyos kht mejo mainit now wala mga rashes 4yrs old ko at 2months old na baby. wag lang po gagamitin fissan if may ubo or hayaan na masinghot nya ung particles ng fissan
nagka ganyan din po ang baby ko mi.. dalawang beses sya neresitahan ng ointment ng pedia nya piro wala parin effect.. may nakapag sabi sakin try ang gaw2 so ayon nung na try ko natuyo ung basa na leeg ng baby ko Hanggang sa gumaling po... kunti lang pahid mo mi kc hindi naman sya aksaya.. alam kung di sya advisable ng pedia piro dun po tlaga gumaling rashes ni lo.
ung first born ko naging ganyan din sya nag start sya three months old un pala di lang basta rashes pinagamot ko sa derma kasi nagtrigger ung Atopic dermatitis pero thankful naman ngaun na 15 yrs old na sya nawala na ung sakit nya pero need pa rin magingat may chance pa rin bumabalik sya kaya mas maigi pacheck up nyo agad sa derma para maagapan habang baby pa sya
yung puti puti sa dibdib nya ay dati syang rashes na gumaling na. pati sa leeg halos nag dugo pa . kalat sa katawan ang rashes nya. nireseta sakin nh pedia ko calmoseptine. pero natutuyo lang then babalik agad. nilagyan ni mama ng BL ayun gumaling agad sya. as in galing agad. iwas lang po sa pagkain ng mga malalansa mii para hindi bumalik
ganyan din baby ko nong last week mamsh. Pinalitan namin ng lactacyd yung baby bath nya pati yung sabon panlaba nya sa damit perla. then bumili kami ng Elica sa Mercury super effective. In an hour nabawasan yung redness ng leeg ng baby ko tapos kinabukasan nawala. ngayon ang linis na nya tingnan. pati ung mga baby acne nya sa face.
nagkaganyan din po baby ko mi, Sabi po ng Dr. iwasan pong laging mabasa kapag nagdedede, lagyan po lagi ng lampin kapag nagpapadede, dove sensitive soap po or cetaphil din po require nyang soap wag daw po muna mag lalagay Ng kahit anong cream and very effective po ito.rashes free na po baby ko till now
rash free zinc oxide po, effective sa baby ko and it was prescribed by his Pedia. Use mild soap din po like Aveeno or Babyflo oatmeal bath, cetaphil po ang gamit ko before pero as per pedia mas okay sa baby skin ang Aveeno or Baby flo kse di malagkit ang formula unlike Cetaphil. i hope it can help Mommy. 😌
kung hindi po allergy si baby, try niyo maglagay ng Fissan powder Prickly Heat(bungang araw) or yung Soothing Relief baby powder. daily routine ni baby ko maglagay kasi pawisin leeg/batok so nagkaka bungang araw siya kahit nasa bahay lang. try niyo lang then observe niyo po
Hi mamsh. Nagkaroon din ang anak ko ng ganyan since mataba siya. D nahahanginan ibang part kaya todo ang pawis. Pinacheck up namin sa pedia at binigyan sa ng ointment. Mabilis at mabisa ung cream. Sana mii mapacheck up nyo si baby para mabigyan ng tamang oinment.
Lyra Percil