16 Các câu trả lời

Medyo delikado yung position na tinutukoy mo lalo na buntis my tendency na mag crack yung toilet bowl sa bigat mo, pwedeng madulas ka takaw disgrasya pa. Kung d mo matiis my squat toilet bowl talaga hindi yung normal na toilet bowl. Pero dapat sanayin mo na yung sarili mo sa regular na pagupo. Hindi sa inaano kita, pero parang ang dugyot naman. Isipin mo nalang nasa public toilet ka yung susunod na gagamit sa cubicle paano pa siya uupo kung tinungtong mo na yung paa mo?

kailangan mo sanayan sarili mo na maupo ng normal sa toilet bowl pwede din kasing mabasag ang toilet bowl lalo pagsobrang bigat and you naman pwede ka madulas.. delikado yan, maupo ka na ng normal at adult ka na din kung di mo sasanayin mahihirapan ka tlaga lalo pag mas malaki na ang tyan

Ok lang nman po, protected nman siya sa uterus. Wag lang masyado mag ere or strain. It's not recommended to have this position lang po kasi baka madulas kayo, likely unstable po kasi kapag buntis. Option is gumamit po kayo ng stool to elevate your feet nlang

Halaaa same mii,ganyan din ako pag constipated. Nung 1st tri ako okay pa pero kase ngayon 6 months na ko,dko na maipit tiyan ko. Ginagawa ko nalang naglalagay ako upuan na maliit sa paa para kahit papano mataas onte yung paa ko,parang semi squat lang.

Mommy delikado po mag squat pag nag poops. baka po madulas po kayo. i think mahirap din yan pag lumaki na ang tummy nyo. maupo na lang po kayo sa toilet bowl at maglagay ng foot stool sa baba para nakaelevate pa din ang legs nyo na parang naka squat.

ganyan ako mag poop nun maliit pa tyan ko kasi dun ko talaga nailalabas pero habang lumalaki kasi ang tyan mahirap na so aun balik sa nakaupo sa bowl. nakita ko sa google is nakaupo tapos may patungan na maliit na upuan dapat ang paa mo.

delikado sya mii .. may pamangkin ako ganyan din sya pag nadumi, ayun may lamat na yata yung bowl nila so while nagpoop si bagets nawasak si inidoro..tinahi yun napaka laking sugat sa may hita nya.

Isa rin po yan sa isa kong agony ko ngayong nasa 2nd trimester na ako. Minsan naiiyak ako di kasi talaga ako comfortable pag nakaupo. Pamula rin po bata ako naka tungtong rin ako sa bowl hehe

Hala same problem tayo. 11 weeks na ako at sa gnyang position ako sanay at komportable. Naisip ko pag lumaki na tyan mahhirapan nako mag poop kasi sigurado hndi na ako mkka squat. Hays😅

I feel u mi! Pero meron po sa shopee nabibili patungan ng paa para ka din nakasquat position. Para safe ka din mi. Kasi paglaki po ng tyan mo mhihirapan ka na ganyan posisyon.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan