Hello.
Tiis lang po momsh.
Ganyan din baby ko for almost 3 months hindi nakakatulog ng hindi hinehele or pinapatulog sa dibdib.
Pero after nun wala na.
Kung gising po siya at ayaw pa matulog baka po hindi pa inaantok at bored kaya nagpapakarga.
Laruin niyo po baby niyo.
Ginagawa ko nuon sa baby ko nakahiga siya sa crib tapos kinukuha ko pansin niya gamit ng rattle tapos sinusundan niya ng tingin.
Pwede rin pampalipas oras i-sayaw (i-sway) at kantahan po.
Kung gusto niyo po bilhan niyo duyan para hindi po kayo pagod.
Or pwede rin yung carrier cloth(?) yung carrier na tinatali sa katawan.
Ganyan po talaga ang baby.
Kahit baby ko, pero hindi naman po ibig sabihin nun eh nasanay na.
May ibig sabihin sila kaya nagpapakarga.
Wag lang kargahin ng walang dahilan, kunwari nananahimik yung baby tapos kakargahin kasi gusto lang nung taong kakarga?
Yun po yung nakakasanay sa baby.
😊